Remember The Golden Rule
X

CHLOE'S INBOX

Remember The Golden Rule

October 19, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-remember-the-golden-rule

    Hi DJ Chloe, I’m a fan of Easy Rock at palagi ko kayong pinapakinggan. Nakakainspire kasing makinig sa mga advice mo. By the way, I’m 32 years old, married with two kids. Happy kami ng asawa ko. Since college nu’ng nagkakilala kami until now na mag-asawa na kami. Almost eight years kaming magboyfriend tapos kinasal kami last 2009 after two years nu’ng magka-anak kami sa eldest ko. And now seven years na kaming kasal at nasundan ito ng isa pa. Masayang-masaya kami though may mga pagsubok din kami, DJ Chloe kasi nu’ng nalaman at nahuli ko ang asawa ko noon nu’ng nasa abroad siya na may babae siya doon. Napakasakit nang malaman kong niloko niya ‘ko. Pero ganoon pa man dahil ama siya ng anak ko tinanggap ko siya lalo na’t buntis ako sa bunso ko noon. After kong manganak ay umalis siya ulit. Takot man ako pero binigay kong muli ng buong buo ang tiwala ko dahil alam kong he is a godly man at totoong nagbago na siya. Nag-abroad siya muli upang matustusan ang pangangailangan namin at ako din naman ay nagtatrabho sa isang malaking kumpanya sa Makati.

    Nang isang araw may isang lalaking pumara sa’kin at inalok akong baka gusto kong sumakay sa kanya dahil doon din siya sa Makati nagtatrabho. Nagbabayad ako sa kanya everyday kasi matagal na siyang nagsasakay ng mga pasahero pandagdag kita din niya. 40s na siya at may mga anak. Hindi ko alam sa araw-araw na pagsakay ko sa kanya parang nahulog ang loob ko sa kanya. At doon nagsimula ang text namin at tawagan hanggang nauwi sa hindi namin inaasahan pareho. Aaminin ko sa’yo, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa ngayon pero alam kong nagkakasala ako sa asawa ko. ‘Di niya alam ito dahil alam kong baka sa sobrang galit niya ay iwan niya ‘ko. Pero ano po bang gagawin ko dahil naguguluhan na din po ako. Ganito pala ang pakiramdaman na nakakasakit ka ng tao gaya nu’ng ginawa niya sakin noon pero mahal ko ang asawa ko at gusto ko din siya. Dahil nakakalimutan ko ang problema at masaya akong ksama niya. Paano po ba ang gagawin ko? Sana po mabigyan niyo po ako ng advice dahil ayoko na din pong mas lalong lumalim ang pagsasama namin. Salamat po and more power to you! God bless you!

    Mrs. M

    Dear Mrs. M,

    So? Kung hindi kita bigyan ng advice, palalalimin mo pa??? Joke! :)

    Alam mo, lahat naman ng pagsasama nagakakaroon ng pagsubok, sinusubok. Katulad ng kwento mo, ‘di ba nalaman mo nagkaroon ng iba ang mister mo? Ngayon naman ikaw naman ang “iba” sa buhay ni manong carpooler. Ikaw naman ngayon ang babaeng tulad ng babae ng asawa mo noon. ‘Di ba nasaktan ka ng sobra? Paparanas mo rin ba sa kapwa mo babae ang naranasan mo? Kaya minsan mahirap manghusga, mahirap magsalita ng tapos dahil ‘di mo alam if you will be in that situation too, ‘di ba? Mrs. M, you know very well what to do and WHAT NOT TO DO. You don’t need my advice. And you will also never get my approval. Yes, you may be falling for him. You have a choice, right? Go on or walk away. Do what’s wrong or what’s right. Take your pick.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.