Choose Those Who Choose You
X

CHLOE'S INBOX

Choose Those Who Choose You

October 28, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-choose-those-who-choose-you

    Hi, DJ Chloe!

    Good day, please itago niyo na lang ako sa name na Arsenia. Pero sa gabi Arsenio ako. Ako ay laging nakikinig sa Easy Rock lalong lalo na sa oras mo. Ako po ay nagkagusto sa isang babae na taga spa. Maganda siya at mabait sa una hanggang sa naging kami at kapitbahay ko pa siya. Hanggang sa napapansin ko na “bili mo ‘ko niyan, bili mo ko nito” siya. Ako po ay nabibilang ngayon sa ridesharing na maayos kumita ‘pag masipag ka. Hanggang sa humantong na ipinagpalit din niya ako sa isang katulad ko pa din. Mas madali pa sana matanggap kung sa lalaki ako pinagpalit eh. Hindi po, sa isang Arsenio din. Nakipaghiwalay ako at sobrang nasaktan hanggang sa nagkukulong na ako sa kwarto ko at panay ang inom. Ang hirap pa niyan ‘pag kailangan niya tulong ko lalo na may sasakyan ako at kapitbahay nga kami, ‘pag kailangan niya sasakyan ko pinagdadrive ko siya. Hirap na hirap ako kasi nga minahal ko talaga siya. ‘Di ako maka move on ng maayos kasi nga araw-araw ko siya nakikita kasi magkapitbahay nga kami at gusto niya kasi siya piliin ko ‘di ang pamilya ko. Mahal ko pamilya ko at sa tipo ko bihira ‘yung talagang makakakuha ako ng tapat na magmamahal sa akin. Na alam naman nating lahat na huthutan lang kami. Masakit man marinig. Paano po ba ang gagawin ko? ‘Di ko naman pwede iwan pamilya ko dahil bahay namin ‘yun. Ang hirap po kasi ‘pag kapitbahay mo ang naging jowa mo. Sana po ay matulungan niyo ako DJ Chloe. Salamat and God bless po.

     

    Hi, Arsenio. Arsenia na rin. :)

    Hindi naman lahat ng tulad mo huthutan ang labas. Meron ding mga nakakahanap ng katapat nila na mamahalin sila for whatever they are. ‘Yung tanggap sila. Usually, pareho niyo rin. I mean, bisexuals ba? Correct me if I’m wrong. Alam mo naman pala ano ka sa kanya ‘yung pumapayag ka na gawing driver niya eh kasalanan mo na ‘yun dahil pumapayag ka. Madalas talaga ang mga babae, they take advantage of people like you. There’s a story I heard, tulad ng sa’yo. Sikat na artista ‘yung babae at ‘yung butch (tama ba?) eh ordinaryong tao lang pero nainlove ng sobra sa young actress na ‘to. Rumor has it nagsuicide ‘yung butch nang ‘di na kinaya si young actress. Akala ko kwento-kwento lang. Until I met the relative (tita) nu’ng butch, ‘di niya kinaya ang pany “bili mo ko” ni young actress. Sobra niyang mahal pero mahal lang siya pag may pagkakagastusan, mga ganun. Ikaw lang makakatulong sa sarili mo, Arsenia. Put a stop to it and it will stop.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.