The Wedding Can't Change Your Man
X

CHLOE'S INBOX

The Wedding Can’t Change Your Man

November 3, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-the-wedding-cant-change-your-man

    Hello, DJ Chloe!

    Good day po! I’m always listening to your station and this is my first time to send you a letter kahit may halong kaba at hiya and I hope you can give me advice. I’m Mhel, 31 years old, working here in Japan. I’m a single mom pero nasa Pinas ang anak ko.

    This is my problem: meron po kasi akong live in partner for nine years. He is 37 years old. Nandito rin po sa Japan ang mga kapatid niya. Alam ko naman po sa sarili ko na hindi ako tanggap ng family niya dahil may past ako at siya naman ay binata (maybe). Pero mahal ko po siya kahit hindi maganda pakikitungo nila sa’kin at kung ano-anong issue ang sinasabi nila about sa’kin. Kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, kapampangan po kasi. Nu’ng three years plang po kami nagsasama, nagpropose siya sa’kin ng kasal. But after one year parang wala lang. Then after our four-year relationship nag-open po ako sa kanya about sa wedding. Sabi niya po sa’kin na just wait at darating din kami doon. So s’yempre po nagalit ako kasi nagpropose na siya tapos wala din pala. Sabi ko sa kanya na maghiwalay na lang kami kasi wala rin palang mangyayari. So he proposed again and I did give him a chance.

    After six years nag-open ulit ako sa kanya kung kailan niya ako pakakasalan. Lagi niyang sinasabi na naman sa’kin “just wait, just wait at darating din tayo dyan.” Lagi na po namin pinag-aawayan about sa wedding. Tapos one day nag-open ulit ako sa kanya last year lang about the wedding, hindi na po siya sumagot sa’kin at alam ko naman po na nakukulitan na siya sa’kin. Nagtanong po ako sa kanya anong reason kung bakit ayaw niya, sagot niya sa’kin hindi pa siya ready mag-asawa. Ngayon, mga kapatid niya nagtatanong kung bakit hindi pa daw kami nagpapakasal. Siguro daw may asawa ako sa Pinas kaya hindi pa kami nagpapakasal. DJ Chloe, lahat tayo mga babae nangangarap na maikasal at magkaroon ng magandang pamilya. Ang akin lang naman sa age namin ngayon at sa tagal ng pinagsamahan bakit ayaw niya pa ako pakasalan. Iniisip ko tuloy na siguro hindi niya ako mahal or may iniintay pa siyang ibang babae. Sabihin na po nating desperada na ako pero sa age ko na ‘to gusto ko na magkaroon ng pamilya. I’m crying every night sa sobrang stress. Kasi hindi ko po alam kung anong gagawin ko. Parang hindi niya ako mahal.

    Kasi po, DJ Chloe, inisip ko na siguro kung kasal na kami, magbabago ang lahat. Makikinig na siya sa’kin, hindi na niya uunahin ang mga barkada niya. At siguro magbabago din ang tingin sa’kin ng parents at kapatid niya. ‘Yung maging legal kami, hindi na siguro siya makikipagchat ng sweet sa ex niya at kung makipagflirtan siya ako ang legal wife. ‘Yung mga ganung way. May assurance ako na husband ko siya. Ang hirap po kasi na mismo sa tenga ko naririnig ko na sasabihin sa kanya ng mother niya na may ipapakilala siya sa anak niya para makapag-asawa na. So iniisip ko na siguro kaya hindi niya ako mapakasalan kasi may iniintay pa siya. Hind niya ako kaya ipagtanggol. Hindi ko alam kung deserve ko ba talaga siya or tanggapin ko na lang na habang buhay na lang kaming ganito?

    Sana po, DJ Chloe matulungan at mabigyan niyo po ako ng magandang advice. God bless.

    Hi Mhel! You know, because of you staying in that no future relationship of yours for nine years, I can sense na halos wala ka ng self-esteem! Walang-wala na! As in  zero balance! So what if you have a past? Bakit? Sino ba ang walang past? So ano? Kailangan para pakasalan ka ng isang lalaki ay abangan ka niya mula zero age para wala kang past?

    Stop blaming yourself for being the reason why he is not marrying you. The reason why he is not marrying you is because he doesn’t want to, okay?  At hindi mo kasalanan ‘yun. Hindi rin ‘yun kasalanan ng pagiging may anak mo.

    Hey! if this guy can’t see or give you any value by all means, get the whole out of his life! ‘Wag mong panghinayangan ang nine years. Anong kahina-hinayang sa nine years na pambabastos sa’yo ng lalaking ‘yan at ng buong angkan niya? Bakit SINO BA SILA, HA?!

    We teach people how they treat us, okay? So teach them naman to respect you and how do you that? Leave!  Know when to leave, when love is no longer being served on the table, Mhel!

    One more thing, what is it are you really asking for? A wedding or a marriage?

    Kasal ba na bongga? Nakawedding gown? Or kahit sa civil basta ibigay niya pangalan niya sa’yo? And if that happens, do you think it will change anything? No! It won’t! Whatever he was and how he was with you for the past nine years, ‘yan na  ‘yun. He already gave you nine years of nothing, so what now? Wait another 9 years?

    You think by staying and being matiisin will make him change his mind? NO, it won’t happen, Mhel. Hindi isang pirasong kontrata ang makakapagpabago sa kanya. He will change only if he wants to change, when it is ready for him to change!

    Bakit ba parang utang na loob pa ng mga babae na pakasalan tayo ng mga lalaki? Hindi dapat ganun, okay? Please, don’t sell yourself short! Stop spreading yourself thin for people who don’t see or appreciate your worth.

    Nine years is long enough. You have waited long enough. Find the courage to let go and start loving yourself this time.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.