Be Careful Who You Put First
X

CHLOE'S INBOX

Be Careful Who You Put First

November 14, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-be-careful-who-you-put-first

    Good morning.

    Share lang ako ng feelings ko. Bakit kaya nahulog ako ng husto sa taong bago ko lang nakilala to the point na handa akong iwan ang pamilya ko para sa kanya? Katangahan ba ‘to o sadyang sa kanya ko naramdamn ang pagmamahal na hindi ko naramdamn sa asawa ko? Now paalis na ako ng Pinas hoping that sa bansa na pupuntahn ko marealize ko ang dapat kong gawin sa buhay ko.

    Ella

    Hi Ella,

    You know you’re not the only person who has been in this situation. Lahat naman ng tao sinusubok.

    As you’ve said may pamilya ka na. Kids and a husband, right? Of all people, only you know if leaving them to be with this person will be worth it.

    Magiging masaya ka ba knowing na may mga nasaktan ka? Alam mo ‘pag isa ka na kasing magulang hindi na sa’yo ang buhay mo. Bawat desisyon sa buhay kailangan isaalang-alang ang mga anak.

    Kahit nasa ibang bansa ka marami kang makikilala na malungkot din at malayo sa pamilya, kahit saan merong pagsubok. Kahit anong oras at araw may mga makikilala ka na maaring makapagpabago ng nararamdaman mo sa asawa mo.

    Of course, I will tell you that you need and always have to do the right thing and the right thing is always the hardest.

    Yes, do what makes you happy nga, ‘di ba? If it will really make you genuinely happy. Will you be happy kung may masasagasaan kang iba?

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.