CHLOE'S INBOX
When Mama Speaks…
November 16, 2016
-


Hi DJ Chloe,
I’m your avid listener po. I’m so confused what road should I take. Whether pagtiisan ko ‘yung situation na meron kami or hiwalayan ko or mag-go with the flow na lang ako at hayaan ko na lang na magbago ang situation. I have a boyfriend for nine years. He’s my childhood friend and my mom knew him as well. At first okay naman ang mom ko sa kanya, simply because he knew him naman. We’re actually friends talaga teenager pa lang kami. So, nangyari kasi, I’ve got pregnant by 15. I was third year high school then, so ayaw ng mom ko sa father ng anak ko (who is not my boyfriend now). So ayun, nagtatago kami, pinapahiya ng mom ko ‘yung father ng anak ko at ako din sa harap ng ibang tao. Noong nag two years old ang anak ko naghiwalay kami. So naging kami naman nito ni boyfriend. Siya kasi ang takbuhan ko nu’ng heart-broken ako at my feelings naman na talaga din siya for me una pa lang bago ako nagka-anak. So ang mom ko, una boto siya kasi nga dahil gusto niya na malayo ako sa ex ko. As time goes by, ganoon din ang situation namin. Kasi wala daw trabaho ‘yung boyfriend ko. So ginawa ng boyfriend ko, nagwork siya para matanggap. Kaso hindi pa din at super nasasakal na ‘ko sa mom ko kasi hindi nga ako nagaasawa kasi nga may responsibilidad ako sa kanya at sa anak ko. So ako, nagwo-work, ako ang breadwinner since nag-anak ako, at pinilit kong maging successful. Nine years na kami ng boyfriend ko pero sa nine years na ‘yun, pag-umalis ako, away na pag-uwi ko sa mom ko. Feeling niya kahit friends ko ksama ko, boyfriend ko kasama ko. Ulti mo pagte-text bawal ako kasi pagtext ako ng text feeling niya boyfriend ko na naman ka-text ko. Which is, sa totoo lang, what’s the problem ba if katext ko nga ang boyfriend ko? I’m single, he’s single at tanggap at kasundo niya ang anak ko. Hanggang sa nasanay na lang ako, na kailangan may mabigat na dahilan or kailangan pa ‘ko ipaalam ng friends ko ‘pag may birthday na pupuntahan. Para akong may asawa na possessive sa mom ko. I promise to her na hindi ako mag-aasawa hangga’t ‘di ko sila nase-settle. Only child ako at hiwalay siya sa father ko. Which makes her a man-hater. Sabi niya, kalokohan lang ‘yang pagmamahal, magfocus daw ako sa anak ko. Kung siya daw nakaya niya na ‘di mag-asawa, ‘di ko din daw ‘yun kailangan. To prove myself to her at para na din sa future ng anak ko, nagsikap ako, and I can say na settled na kami. We have a house, apartment, at transportation business now. Minsan, hindi ko na kinakaya mag-isa ‘yung stress, tapos feelig ko kailangan work-at-home lang ang peg ko. But I am an adult now and I also need to socialize minsan sa mga friend ko. Kaya feeling ko, ginawa ko na ang lahat, I sacrificed nine years na ganon ang sitwasyon kasi focused ako sa goal ko. So ngayon na successful na at settled n sila, I think it’s time for me to do and go to what makes me happy. Now naiisip ko na panindigan na lang ang relasyon namin at ‘wag na magtago pa. Kasi sawa na ‘ko sa palaging may umaaway sa’kin every time malate lang ako ng uwi kahit one hourr. Kaso, natatakot naman din ako magkamali. At baka pagnagpaalam ako sa kanya, gagawin niya, uunahan niya ‘ko na umalis sa bahay para ‘di ako makaalis at makabukod. Ang gawain kasi ni mama, pag magkaaway kami, hindi siya kakain pag nakakita ko, magkakasakit, para ako naman stress at hirap na hirap. ‘Yun ang way niya ng pagpastress sa’kin. Kaya ako, para lang ‘wag na siya ganon, nagtitiis na lang ako na maglie at magtago para ‘di sumama loob niya. I talked to hi, at sabi niya magsama na lang nga daw kami. Kasi iba pa din ‘yung legal kaysa nagtatago. Ready naman na daw siya. I am now 27 and he’s 31. Please help me what should I do. I want to end this problem.
PS: Ilang beses na din kami nagbreak pero talagang nagbabalikan pa din talga kami.
Hi Angie,
Napansin ko sa last part ng letter mo sabi ng boyfriend mo magsama na lang kayo? Am I correct? Hindi kaya maging iba ang ihip ng hangin sa nanay mo kung pormal naman siyang pupunta sa inyo with his parents to ask for your hand in marriage? I mean, you know, kahit pa single mom ka, hindi ka naman kasal. Dalaga ka pa rin dahil wala kang asawa. Kung gusto niya ng “legal” pakasalan ka niya. Matagal na kayo, ‘di ba? And alam niya na ano problema mo sa nanay mo so I am sure, he is willing to deal with it . I can understand your mom perfectly. Alam niya gano kahirap ang may asawa and I am telling you mahirap talaga. Maybe your boyfriend needs to get out of his way to earn your mother’s trust. What has he done so far? Your mom probably thinks you’re all she got. You have to let her understand that you won’t be gone from her and if mag-aasawa ka na dalawa na kayong mag-aalaga sa kanya. Itong lalaking ‘to na pinaglalaban mo. Sana totoo siya sa’yo. May anak ka na. For every wrong choice we make in life ang anak natin ang tatamaan. Maganda kang bata and you have made something out of yourself and for that I am happy for you. Remember, through all your ups and downs, yung nanay mo ang umalalay at naging kasama mo, I am sure siya din nag-alaga sa anak mo. :)
-
COMMENTS















