Because People Change
X

CHLOE'S INBOX

Because People Change

November 18, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-because-people-change

    Dear DJ Chloe,

    I’m an avid listener of your program. I’m 24 years old, please call me Ms. A. I’ve been in a relationship for almost four years until my ex-boyfriend broke up with me a couple of months ago ng dahil sa babae. Hindi ko po matanggap na pinili niya ‘yung tatlong linggong babaeng nakilala niya over sa ilang taong relasyon namin. Siya ‘yung nakipaghiwalay sa’kin at pinili yung babae. Nu’ng tinanong ko siya kung mahal niya ‘yung babae ang sagot niya sa’kin, “Oo. Kasalanan ko ba na ganun naramdaman ko. Hindi ko alam bakit mahal ko kaagad.” Tinanong ko siya kung mahal niya pa ba ako sabi niya hindi niya daw alam tapos sabi niya din na parang wala na daw siyang nararamdaman sa’kin. Ilang linggo after nun tumawag siya, sabi niya may feelings pa daw siya sa’kin pero mahal niya ‘yung babae. So naguguluhan ako kasi inconsistent ‘yung sagot niya. Akala ko nun, DJ Chloe na kapag nakita niya akong nahihirapan at umiiyak, babalik siya sa’kin. Pero hindi pala. Pinili niya ‘yung babae. ‘Yung babae naman kaya daw sinagot ‘yung ex ko kasi hindi niya alam na may girlfriend daw at makikipaghiwalay na daw siya pero ilang araw after namin mag-usap nu’ng babae, nalaman ko na sila pa din. Ang sakit isipin na ‘yung ka-sweetan niya sa’kin noon, sa iba niya na ginagawa ngayon. At ang hirap din tanggapin na mahal niya na agad ‘yung babae ng mas higit pa sa pagmamahal niya sa’kin. DJ Chloe, ano po ang dapat kong gawin? Lumalayo naman po ako para wala na akong mabalitaan sa kanya para hindi na din ako masaktan. Kaso everytime na nararamdaman kong okay na ako, may malalaman na naman ako na nagpapabalik sa’kin sa umpisa. Thankful din ako sa pamilya niya na boto sa’kin, dapat ko din ba silang iwasan? Dapat ko bang iwasan din ‘yung mga taong napalapit sa’kin thru him? I wanna move on and be totally healed. Thanks for reading my letter DJ Chloe.

    Ms. A

    Hi, Miss A!

    Ganyan talaga. Sadyang walang assurance. Pasalamat ka na lang hindi ka pa sa kanya naikakasal at wala pa kayong anak. Anak na basta na lang iiwanan sa’yo dahil lang sa ayaw niya na sa’yo. Let him go. Don’t beg for him to stay and don’t do things to make him come back. Minsan ka na niyang tinalikuran. Kaya kang talikuran ulit niyan. You know what they say, don’t beg for people to stay. In time, you will know at magpapasalamat ka na iniwan ka niya. That’s to make room for the right person to come into your life and make you happy again. Paganda ka. Go out and unwind. Enjoy being alone. And yes, you can totally disconnect from anyone or anything that will remind you of him. It’s your right and that’s the right thing to do.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.