When Emotion Overtakes
X

CHLOE'S INBOX

When Emotion Overtakes

November 21, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-when-emotions-overtake

    Dear DJ   Chloe,

    Please call me, Benjie. Married with kids, my wife is an OFW and she’s been working abroad for the past five years. Okay naman kami ng asawa ko, natanggap ko na kailangan niyang umalis para magkatulungan kami, habang ako naman at ang mga bata ay nandito. Nakatira kami sa parents ko kasi walang titingin sa mga bata kapag ako naman ay nasa trabaho.

    Sa kagustuhan kong kumita ng extra, I decided na mag-Uber during my free time at para makatulong na rin sa amortization ng auto namin. Masaya ako at nalilibang sa pag u-Uber ko at lalong naging masaya ako dahil nakilala ko si Jen. She works in a pharma company, married din like me and with kids. Naging rider ko siya, wala pa siyang company car kaya nagcocommute at paminsan minsan nag u-Uber din. Bago pa lang siya sa work niya sabi niya. Nalaman ko number niya dahil kinontak niya ako nang nagbook siya ng ride. I saved her number. One time, walang magawa tinext ko. Nagreply naman. Dun nagsimula ang lahat. I learned na on and off silang mag-asawa, may bisyo ang asawa niya ayon sa kwento niya at nanakit. To cut it short, we found ourselves together in a motel room.

    Our affair lasted for a year, na hindi lang oras ko ang na-invest ko sa kanya. Pati na rin finances ko nahuhugot niya pa sa’kin. Gipit siya lagi kaya madalas ako nagbabayad ng rent niya sa apartment nila. Isama mo na pati panggrocery nilang mag-iina. Dahilan para minsan sumala ako sa pagbabayad ng bayad ko sa car loan ko. This went on for a year, masaya naman ako. Kahit deep inside nagi-guilty ako dahil may asawa ako. But lately, bigla na lang naging missing in action si Jen. I learned na nakipag balikan siya sa asawa niya. Para akong tanga, DJ Chloe. Pakiramdam ko ginamit niya lang ako. Dahil ba lately wala akong maibigay sa kanya kasi gipit din ako? Gusto ko siyang kausapin but she blocked me entirely from her life.

    Karma ko ba ‘to dahil niloko ko din ang asawa ko? Please give me an advice, DJ Chloe, gulong-gulo ang isip ko kasi minahal ko na siya.

    Thanks,

    Benjie

     

    Hi Benjie! Well, maybe it is karma.  I always believe that we reap what we sow.

    While you may be hurting, I guess you should all the more be rejoicing. Pero s’yempre ‘di mo pa ‘to naiisip sa ngayon.

    God took her out of your life for the simple reason that she doesn’t belong in your life. Kita mo nangyari sa’yo? Nagkagipit-gipit ka na kinukunsensya ka pa.

    Alam mo maraming ganyang babae sa mundo, instead na magtrabaho ng magtrabaho para mairaos ang mga anak niya. Aasa at manghuhuthot sa iba. Maraming babaeng ganyan, nagkataon na may nakilala kang isa.

    At least maaga pa nalaman mo na ang asawa nya pa rin ang pipiliin niya at hindi ikaw. Let it also be a reminder for you na may asawa ka rin at siya rin dapat ang piliin mo, malaki ang kasalanan mo sa kanya. Isipin mo kung pano ka babawi.

    Nagkamali ka na, tama na, nag-enjoy ka na. Nagkandagipit-gipit ka pa. Siguro naman enough reason na ‘yan para sabihin mo din sa sarili mong tama na. Balik na sa reyalidad.

    Kung patatagalin mo pa ‘to Benjie at kung ‘di ka niya kusang iniwan baka nabuntis mo siya at malamang mas patong-patong pa ngayon ang problema mo.

    Ngayon if she comes back to you I hope you find the courage to say “no” and to do what is right. Marami ka pang maisasakay at ihahatid na riders. Magaganda, mga bata pa, meron ding may mga asawa na, problemado sa asawa, maaring magkwento sa’yo habang nasa byahe. Nasa sa’yo na ‘yan kung papatukso ka ulit, kung uulitin mo pa ‘to baka ikapahamak mo na ang susunod.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.