CHLOE'S INBOX
Forgive For Your Peace Of Mind
November 23, 2016
-


Dear DJ Chloe,
Please call me Bess. I’m separated for five years with kids. Nasa akin lahat ang mga bata. Walang financial support na binigay ang father nila. May work po ako pero kulang pa din kasi high school na sila. Pero sinikap ko pa ring makapagprovide ng maayos. Lately lang nalaman kong my ex-husband is dying. Hindi ako nakaramdam ng awa sa kanya pati ang mga bata hindi apektado sa nalaman nila. Siguro nga dahil sa kapabayaan niya. Maraming nagsabi sa akin na dalawin ko daw for the last time pero katwiran ko para ano pa?
Sa hiwalayang nangyari sa amin nagkaroon ako ng boyfriend. Matanda sa akin ng 10 years but certified single. Sobrang mahal ko siya. Nagsasama na kami for two or three years. But lately feeling ko parang nagbago na siya. Hindi katulad noon na ramdam ko talaga ang love niya sa akin. Minsan kinakausap ko ang sarili ko na tigilan ko na ‘tong kasalanang ginagawa ko pero hindi ko magawa dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Please help me DJ Chloe. Thank you.
Bess
Dear Bess,
Your ex-husband is dying. Might as well give him your forgiveness and allow your kids to see him, at least. Para sa pinagsamahan niyo.
I can understand how mad you are. Sama ng loob, lahat na. But he is dying. Patawarin mo na, unless gusto mong dalhin ‘yan habang buhay. It’s such a heavy burden to carry, Bess. Blessed are the merciful for they shall receive mercy.
With regards to your boyfriend now. If you feel guilty having a relationship with him because you are still legally married to your ex, then by all means let him go, if that will give you peace of mind.
Pero hindi mo kaya dahil sobrang mahal mo na. But according to you nagbago na.
Sabi mo parang nagbago na siya? Paano? Ikaw lang nakaka alam niyan at nakakaramdam kung talagang nagbago na, pero ‘di ba. Things and people change. Baka naman dati ten times a day magtext, ngayon five times na lang?
Some changes are normal, pero if it’s the kind of change na ramdam mong ‘di ka na mahal, which I know alam mo naman, then talk to him and ask him why the change? The only solution I can think of is for you to talk to him. You can’t go on assuming every day, right? Ask to know the answer.
-
COMMENTS















