Giving Doubles What You Have
X

CHLOE'S INBOX

Giving Doubles What You Have

November 24, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-giving-doubles-what-you-have

    Good day DJ Chloe,

    Please call me Jam. I’ve been married for six years. I have two kids. Masaya naman. Good provider naman si husband, sunod naman mga gusto ko. Wala naman problema sa kanya except dun sa pakiramdam ko na nagdadamot siya sa parents ko. Tsaka laging issue ang pera sa kanya. Pag mag-aabot ako ng konti sa parents ko minamasama niya. kaya minsan kahit alam kong mali, hindi ko na lang pinapa alam sa kanya na nagbigay ako. Tutal naman we handle our own money. Pera niya, pera niya. Pera ko, pera ko. Ayoko kasi nang hinahanapan ako or kinukwentahan ako! Kung tutuusin dapat babae ang nagger sa pera! Aba, in our case baliktad! Naiinis lang ako na pati pagbibigay ko sa magulang ay issue sa kanya! Dapat hindi, ‘di ba?! Magulang ko ‘yun eh! Nakokonsensya na nga ako na ang aga kong nag asawa na pakiramdam ko, hindi ko man lang sila natulungan muna after graduation. Mga five years lang nag-asawa na ‘ko. Tsaka hindi naman on a regular basis ako kung magbigay! Sobrang big deal sa kanya noon! Nakakainis! Mali ba ako? Tama ba siya? Alam ko naman na hindi ako nagkukulang sa mga needs ng mga anak ko. Inuuna ko pa rin naman needs ng family before them. Humihindi pa rin naman ako pagnataon na may kailangan ang mga bata at nagtext or sila. ‘Di ko lang maintindihan ‘tong asawa ko. Kasi nu’ng kabataan ko ‘di naman kami well off. Hirap din kami. Pero iginapang nila na makatapos kami ng pag-aaral. Ang sa’kin naman, it’s my way of giving back kahit konti man lang. Gusto ko lang na maipaintindi sa husband ko. Help me, please. Need an advice po.

    Jam

    Dear Jam,

    Ang tao kapag matuusin, matuusin for life. J

    Have you tried talking to him about how you feel? Baka ‘di mo pa nasasabi sa kanya na nasasaktan ka sa pagiging ganyan niya sa’yo at sa parents mo.

    Choice mo ‘yun eh and I am sure pera mo binibigay mo, tama ba ako?

    I can just imagine if pera ng asawa mo ibibigay mo, malamang ang dami mo ng narinig. J

    Lahat ng bagay nadadaan sa usapang maayos. Try your best to tell him even if he doesn’t understand that the daughter in you wants to give wholeheartedly to your parents, and if the time comes na gipit kayo at ‘yun ay dahil sa kakabigay mo, p’wede na siyang magalit sa’yo.

    Kahit ‘di na natin obligasyon ang mga magulang natin, dahil mahal natin sila, gusto nating mag-abot, ke maintindhan ‘yan ng asawa mo o hindi, for as long as alam mong hindi nakakaapekto sa inyo, sa kabuhayan mo, then do it.

    What’s important is hindi niya pera ang ibinibigay mo.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.