When You Give A Man A Reason To Doubt
X

CHLOE'S INBOX

When You Give A Man A Reason To Doubt

November 28, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-when-you-give-a-man-a-reason-to-doubt

    Dear DJ Chloe,

    Good day po sa inyo and sa lahat ng inyong mga followers. Number one po kayo dito sa Pampanga . May tanong lang po ako.  Hindi maganda para sa amin ng wife ko and taong ito.

    Parang ang daming trials sa’min this year, lalo sa finances. So before this year ends we settled everything at aayusin namin ang 2017. So okay na. And then just yesterday when I was checking the browsing history ng laptop namin, nakita ko na panay ang browse niya sa Facebook account ng ex niya nu’ng college pa siya.

    Actually, first love niya ‘yung ex na ‘yun, sobrang dami ng history at mukhang nagkakachat pa sila.

    I am shaking while typing this. Like one week na ako walang proper sleep. I asked her a while ago if may tinatago ba siya sa akin. Sabi niya wala naman.

    Grabe, DJ Chloe, parang sasabog ulo ko ngayon sa kakaiisip Kung pinipindeho ako ng asawa ko, or nagsisimula na siyang gawin sa’kin ‘yun. Naalala ko rin, minsan may mga times na umaalis siya ng bahay pagweekends, sasabihin may work sila at gagabihin sa pag-uwi.

    Marami din akong nakitang mga bagong damit sa kanya, sapataos , make-up, pati mg bagong bra at panty na terno-terno pa, napansin ko rin na mas pala ayos na siya ngayon ‘di tulad ng dati.

    Ramdam ko DJ Chloe, may ginagawa siyang masama pero natatakot akong kumprontahin siya dahil baka magdilim ang paningin ko’ di ko sila matantya.

    Sana maliwanagan ako sa mga advice po ninyo and mga listeners. Pasensya na kasi wala talaga ako mapagtanungan at mapaglabasan ng nararamdaman ko.
    Ronnie

    Hi Ronnie!

    Tamang hinala ka, right?

    I can understand where you’re coming from.

    Sa’min kasing mga babae, masakit man, pero mas madali bang patawarin ang asawang nambabae, kesa sa tulad nyong mga lalaki, kapag kayo ang nakaramdam ng panloloko mula sa asawa niyo.

    Siguro Ronnie, before you decide to confront her, it would be best for you to make your own research or investigation dahil baka napapraning ka lang or nabibigla ka lang sa mga naiiisip mo.

    But then if you decide to investigate further, do you think you can handle the truth?

    I would suggest, that you pray and ask God to give you the wisdom on how to deal with this dahil hindi ito madali lalo na’t may mga anak siguro kayo, right?

    Dito masusubok ang character mo, dito masusubok kung hanggang saan mo nga ba ka-mahal ang asawa mo.

    Ang dami ko nang nakausap na ibang lalaki na nangyari ‘to sa kanila, may mga nakapag sabi na the only time they realized how much they love or he loves his wife is when he found out she was having an affair.

    There are others na no deal ang ganitong bagay, hiwalay agad. Pero may mga lalaking nakukuhang patawarin ang asawa nila at mag simula uli.

    ‘Wag kang magpadalos-dalos. Bago mo siya kasuapin, pray and ask God to give you a sane mind and the right words to say to her.

    If it’s true and you decide to forgive and move on with her still, that’s okay, if not, no one can blame you.

    I seriously believe this is one test your marriage has to go through, there may be no right or wrong answers, but whatever it maybe for you, I hope you both pass the test and come out stronger and wiser after this.

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.