CHLOE'S INBOX
Know When To Walk Away
November 29, 2016
-


Hi, DJ Chloe!
Good day to you and to your thousands of listeners, kami man sa office lalo pag Chloe’s Inbox na nakatutok na sa’yo at magbibigay ng kanya-kanyang opinion sa mga letters na binabasa mo. Ngayon, ‘di man alam ng mga officemates ko, ako naman ang hihingi ng payo sa’yo.
In our office, meron isang guy na super friendly sa’kin. Friendly naman talaga ako so hindi ko binigyan ng meaning.
But I noticed lately na nagiging extra sweet na siya sa’kin. Or maybe it’s just me na nagfi-feeling? ‘Yun bang pag may rasyon ng snacks sa mga nagdadala nito sa office, ibibili niya din ako or would always ask me if gusto kong magkape sa pantry. Minsang pinagbigyan ko, siya pa nagtimpla ng kape ko.
He would always PM me ‘pag nasa office saying na I look beautiful, I look sexy in my dress etc.
We are both married and we talk about how blessed we are with our spouses and what we have in life. But for the past few days, parang iba na and nase-sense ko. So I decided na iwasan siya dahil baka kung saan mapunta ang mga usapan namin. I guess, nag-iingat lang ako.
What do you think? Should I continue to make iwas?
Thanks po.
Eunice
Hi Eunice!!
‘Di na tinatanong ‘yan kung tamang iwasan or hindi.
The moment your intuition is telling you something that’s not normal, you should listen to it.
Regardless if isipin niya na nagfi-feeling ka, who cares? ‘Di bale ng magfeeling kaysa naman mag give-in at mabuyo ka sa kung ano pa man.
Alam naman natin lahat na sa workplace, marami ding nagkakamabutihan for the simple reason that we spend more time with our co-workers than with our families, right?
So if all the strands of your hair is telling you something is wrong at dapat mong iwasan si kuya, then by all means follow your intuition.
‘Wag mong panghinayangan ang friendship na ino-offer niyan sa’yo dahil may asawa ka na pwede mo ring maging kaibigan at marami ka na ring kaibigan malamang.
‘Di naman lahat, pero alam mo naman ang ibang lalaki, gagawin lahat lalo na at!!! Makakalusot!
-
COMMENTS















