Over Familiarity Issues
X

CHLOE'S INBOX

Over Familiarity Issues

December 5, 2016

  • easy-rock-chloes-inbox-over-familiarity-issues

    Dear DJ Chloe,

    Thanks in advance for reading this. Before I go to sleep at night, nagbabasa muna ako ng Chloe’s Inbox mo kasi madami akong natututunan. Please hide my real identity kasi medyo sensitive ‘yung topic po para sa akin. Anyway po, I’m 30 yrs old, single mom, and online po ang work ko. Four years na po kaming hiwalay ng dad ng anak ko. Pero we are in good terms and nagsusuporta naman siya. ‘Yung ihihingi ko po ng advice is ‘yung kababata ko. Close po ‘yung family namin pero dahil malayo sila minsan lang kami magkita-kita.

    Crush ko siya mula nu’ng mga bata pa kami. Lately po inadd ko siya sa Facebook hanggang sa everyday na kami nag-uusap. Sa abroad po siya nagwo-work.

    I can’t say naman po na may something sa amin pero madalas ko siya makausap. Aaminin ko po dahil nga crush ko siya dati is in-entertain ko ‘yung feeling na baka siya na ‘yung “The One” ko. Single pa din naman siya at sabi niya wala siyang girlfriend ngayon. Lagi po kaming nagbibiruan. Isang biruan namin is ‘yung buhok niya. Medyo long hair kasi siya. Kaya minsan niloloko ko na “girl” siya o kaya “teh” ang tawag ko sa kanya. Feeling ko okay lang naman sa kanya kasi nagpapatawa pa siya.

    Until one time, natawag ko siyang “teh” tapos nagreply siya ng, “baka marape kita niyan para patunayan ko sa’yo.” Sabi ko na lang na isusumbong kita sa mama mo. Nag-usap pa rin po kami at nagbibiruan after that pero ‘di po maalis sa isip ko yung sinabi niya. Medyo na-ooffend po kasi ako. Naturn off ako kasi parang hindi gentleman ‘yun. Alam ko po sa sarili ko na nag-iingat din ako sa mga sinasabi ko dahil ayokong magbigay ng ganung impression sa kanya. Nabo-bother po ako eh. Disappointed po ako kasi parang nasira ‘yung mabait na image niya sa akin. Ayoko pong palakihin at ayoko ring malaman niya. Pero tama po ba na maramdaman ko ito? Hindi po ako maganda at sexy at hindi po ako nagmamaganda pero nakakaoffend po. May anak na ako at matanda na. Hindi po ako nag-iinarte. Matagal na po akong single mom at sa totoo lang ngyon lang po ako naging open sa possibility na magka boyfriend ulit.

    Ayokong maging issue po ito lalo na magkikita mga family namin at nandito po siya sa Pinas ngayon. Somehow, nasaktan po kasi ako at higit sa lahat feeling ko I’m not special enough para hindi siya mag-ingat sa sinasabi niya sa akin. Two days ko na po siyang ‘di kinakausap. Naguguluhan po kasi ako. Heartbroken na rin po at the same time. Thank you po in advance.

    Crystal

    Dear Crystal,

    Perfect example of jokes being half meant?

    If you got offended with his answer, then he probably he got offended by your constant calling him “teh.” ‘Wag tayong magbibiro kapag hindi natin kayang makipagsabayan. As I can see hindi mo kinaya nang sinabihan ka ng ganoon.

    Nakakaoffend talaga ‘yun. But come to think of it, he won’t probably answer you that way kung ‘di mo rin siya tinutukso na baka beki siya.

    Try mong tigilan ang pagbibiro mo. ‘Pag umulit pa ng biro niya na tinigilan mo na, then I can probably say may kabastusan siya at dapat ka ng ma-offend.

    I’m not sure if it’s your fault, I’m not saying it is your fault, but I guess let us try not to invite trouble, ganun talaga. Sometimes too much familiarity invites disrespect.

    Ayaw mo kamo maging issue? Baka nga ikaw lang ang gumagawa ng issue, then tigilan mo na, if it will make you feel better to tell him that you got offended then do it.

    And apologize for also making fun of his hair or personality of whatever, para quits.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.