CHLOE'S INBOX
If He Wants You, He’ll Come And Get You
December 12, 2016
-


Dear DJ Chloe,
Thank you in advance for reading this, it would mean a lot. I am a fan of your segment, kasi dami kong napupulot na lesson. I have something on my mind lang po kasi. Sobrang confused po ako. By the way, I am 25 years old and three years ng single. Please hide my identity na lang po. I have this old friend po kasi, actually classmate kami noog elementary. Matagal na kaming friends sa Facebook pero this year lang kami nagkausap talaga. Seaman siya, kaya ‘pag wala siyang magawa sa barko ako yung china-chat niya. Nagsh-share siya lagi about sa nililigawan niya. For me naman po, wala namang problem kasi sanay naman akong mag-advice sa mga friends ko whenever they have problems especially about love. Parang binabasted na po kasi siya ng nililigawan niya, so ako naman lagi ko siya pinagsasabihan na tumigil na kasi para na nga siyang tanga (sorry for the word). So ‘yun, naging ganun lagi ‘yung usapan namin. Kakaalis lang niya noing una kaming nagkachat. Parang naging everyday routine na naming dalawa na nag-uusap kami. Noong una wala lang sa’kin kaya lang noong tumagal na, mga three months na siguro, hindi na siya mawala sa isip ko. So ‘yun, to make the story short, na-inlove ako sa kanya, tinago ko po ‘yun kasi alam kong mahal na mahal niya ‘yung nililigawan niya.
Until sa dumating siya last month. Umasa akong magkikita kami kasi ‘yun naman ‘yung plan talaga namin before pa. Pero a week after pa siya nagparamdam sa’kin, telling me he has a big problem. One time pa tinawagan niya ‘ko, parang lasing pa, sabi niya what if daw kami na lang. Parang niyayaya niya akong mag-asawa na lang. S’yempre hindi ko ‘yun pinatulan kasi alam ko naman na hindi ‘yung totoo. So dumating sa point na pati ako naguguluhan na sa inaasal niya. I told him na magkita kami once and for all. Nagkita kami sa bahay ng pinsan ko. Ayun nagkayayaang uminom, then nagkalasingan. Muntik nang may mangyari sa’min, DJ Chloe. Pero hindi talaga ako pumayag. Kasi honestly po wala pa akong experience. So as much as possible ayokong ibigay ‘yun sa hindi ko naman boyfriend. But I love him that much na muntik ko nang ibigay lahat-lahat. The next morning, everyone in the house thought na kami na because we were inseparable. Dinala pa niya ko sa house ng friend niya para daw makapagrest ako ng mabuti bago umuwi ng bahay. That morning was the memorable one. He was so sweet, inalagaan niya ‘ko dahil sobrang sama ng pakiramdam ko dahil sa hangover. Niyayaya na naman niya akong mag-asawa n alang. Take note, sabi niya “tayo nalang kaya?” So ‘yung lagi kong sagot, “ayoko” kasi alam kong option niya lang ako. Kaya ‘yun hindi pa rin kami nagkausap ng matino. Parang we were both afraid to ask kung ano ba talaga kami sa time na ‘yun. Gusto ko sana siya ‘yung mag-open. But unfortunately, he is too problematic din to open up. Then, when I decided na umuwi nalang, hinatid na lang niya ako, na parang girlfriend niya ‘ko, kasi he gave me a goodbye kiss before sumakay ng bus.
After ilang oras nagtext siya, nagsosorry about what happened and sana daw hindi masira ‘yung “friendship” namin. Doon na nagsink-in sa’kin na wala pala talaga. Hindi ko na muna siya nireplyan kasi parang ang sakit lang, ewan ko, kung nag-ooverthink lang ba ako. Pinalipas ko ‘yung ilang araw to think kung ano ‘yung next step ko. Then nagdecide ako na kakausapin ko na talaga siya ng matino. Tinext ko siya kung pwede ba kami mag-usap ulit in person. Kaso sabi niya paalis na daw siya papuntang Boracay magbabakasyon daw muna siya. So ako naman nagulat ako kasi may training pa dapat siya eh. Kaya ‘yung last hirit ko na lang is mag-usap na lang kami through phone. So ‘yun tinawagan niya ako. And sabi lang niya na sobrang lasing lang daw talaga siya, na alam naman na daw niya na love ko siya kaya na-took advantage niya ako that night. Tapos ako, hindi na ako makapagsalita kasi sobrang sakit na talaga. Tapos sabi pa niya na sana hindi daw umabot sa nililigawan niya ‘yung nangyari. Like what the, sa tingin ba niya proud pa ako sa nangyaring ‘yun? So ‘yun binabaan ko na lang siya ng phone. Nagcha-chat pa rin siya until now. Nagso-sorry, kaya lang parang hanggang sorry na lang talaga siya. Nahihirapan na din ako kasi love ko na siya eh. Pero halata namang confused din siya. What should I do, DJ Chloe? Affected na talaga ako. I can’t even focus on my work. Hindi siya mawala sa isip ko. I hope you can give me an advice. Thank you for the time and more power.Miss 25
Hi, Miss 25!
You know what you need to do? Stay away from him and I mean literally.
I don’t think you can still be friends with him, pretending everything is okay after that “close encounter” which almost led you to losing your virginity na pinaka-iingatan mo. And I commend you for that, for holding on to your morals.
It seems that kaibigan lang talaga ang tingin niya sa’yo and probably he is thinking na p’wedeng maging kayo. But what happened made him realize na hanggang kaibigan lang kayo.
Hindi mo rin naman kayang prangkahin siya ‘di ba? Kaya mo ba? Aminin mo na may nararamdaman ka sa kanya. See what his reaction will be.
Ngayon ka pa mahihiya muntik na may nangyari sa inyo.
If I were you, I’ll tell him how I feel and after that I’ll walk away.
If he has something for you, he will pursue you.
‘Pagdeadma, wala ‘yan. Ikaw lang ang nagmamahal talaga, eto oh, lyrics sa kanta ng PAROKYA NI EDGAR na “Lagi mong Tatandaan.”
“Lagi mong tatandaan na pag umibig ang isang lalake ay handa itong hamakin ang lahat.
Gagawin lahat ng paraan upang makamtan ka at hindi niya kakayin na ikaw ay mawala sa kanya.Wag kang matatakot na talikuran ang lahat ng ito.
At kung hayaan ka niyang mawala at least alam mong hindi siya para sa’yo.” -
COMMENTS















