Don't Stay With The Wrong Person
X

CHLOE'S INBOX

Don’t Stay With The Wrong Person

January 10, 2017

  • easy-rock-chloes-inbox-dont-stay-with-the-wrong-person

    Hello, I need your advice!

    Let me tell you my story.

    May live-in partner ako for almost two years na ,he’s married. Nu’ng nakilala ko siya two or three years na silang hiwalay kasi niloko siya. Nabuntis ‘yung babae kaya sila nagpakasal. Papunta din kasi ng Saudi ‘yung babae. We all know na ‘di p’wede dun ‘yung pregnant na walang asawa. Kaya nagpakasal sila then after five days nilang kinasal umalis na ‘yung babae. ‘Di sila talagang nagsama, DJ Chloe. Hanggang nalaman ng partner ko na marami pala siyang lalake. Kahit daw nu’ng ‘di pa sila kinakasal marami na siyang nalalaman na may iba-ibang lalaking fini-flirt. Pero tinuloy pa rin niyang pakasalan kasi pregnant nga. Hanggang nu’ng nasa Saudi na ‘yung babae may ka-live-in din pala dun. Hanggang nagkaroon ng miscarriage ‘yung babae dun. Nalaman din ng partner ko na ilang months na pla umuwi dito sa Philippines ‘yung babae then pinuntahan siya ng babae para magkaayos sila pero ayaw na ng partner ko. Hanggang nagkakilala na kami, DJ Chloe. Unexpected lahat kasi nagstart lang kami as friends kasi iniisip ko noon na married siya. Gusto ko rin na makasal ako, DJ Chloe. ‘Yung may matawag akong sa’kin

    Wala akong peace of mind kasi iniisip ko kasal siya, legally and technically talong talo ako pero mahal na mahal ko siya. Alam kong mahal na mahal din niya ‘ko dahil sa lahat ng naging relasyon ko, sa kanya ko naramdaman lahat. Napaparanoid ako madalas kasi wala akong peace of mind kaya inaaway ko siya. Dumadating pa sa point na madalas akong makipaghiwalay pero never siya nag give up sa’kin.

    Meron pa, DJ Chloe. Meron siyang ex-girlfriend na gustong-gusto ng pamilya niya. May times pa na pinag-uusapan nila ‘yun kahit kaharap ako. Sobra ‘kong nsasaktan. Wala din akong peace of mind dun, DJ Chloe. Kasi ‘di ko alam kung talagang may anak siya dun o wala. Bigla na lang kasi siyang iniwan ng ex-girlfriend niya na ‘yun then after ilang months nagtext sa ate niya na nanganak na daw siya.

    Kinonfirm niya sa babae kung totoo pero sabi ng babae ‘di daw ‘yun totoo. Iniisip ko baka bigla na lang bumulaga. Sabi ko sa partner ko if ever mangyari ‘yun mag-gi-give way ako.

    Anyway, malayo gap ng age nila ng ex-girlfriend niya. Nasa late 50s na siguro ngyon ‘yun. 38 na partner ko ngayon. 2004 pa sila naghiwalay.

    Please, DJ Chloe, I really need your advice. Gulong-gulo na utak ko. Make it short na lang if ever gusto mo i-publish story ko.

    ‘Yun ‘yung mga insecurities ko. ‘Di ako mapapakasalan, what if may anak siya sa ex-girlfriend niya na gusto ng pamilya niya, samantalang ako ‘di ko siya mabigyan ng anak.

    Wala akong assurance sa lahat. Feeling ko failure ako, ang lungkot-lungkot ng buhay ko.

    Just call me Kythe.

     

    Hi, Kythe!

    You know what, lahat ng insecurities mo kagagawan mo. You allow yourself to feel this way and you act like you’re the victim.

    To tell you honestly, itong lalaking ‘to ang dapat na mainsecure at hindi ikaw.

    Kasal na siya sa iba at walang ibang paraan for him to be free from any obligation dun sa ex-wife who is in Saudi but to get an annulment.

    Siya ang dapat ma-insecure kasi ikaw libre ka! You can, at any given time, change your mind about him.

    Halika, i-untog kita baka sakaling matauhan ka.

    I seriously, pity the girl in Saudi. Lahat ng k’wento mo about her you’re not sure if true. And kawawa siya kasi sirang-sira siya sa kwentong ito. Anyways, ‘wag na natin siyang pakialaman and also ‘wag mo na din siyang sisihin pa at isama palagi sa k’wento bakit ‘di ka mapakasalan ng boyfriend mo, kasi hindi mo alam kung ano talaga ang totoo.

    Then there’s another one. This 50-year old woman na tingin mo eh naanakan niya.

    You know, I only have this to say to you, it’s already 2017. And if you feel you have wasted so much time with this person who doesn’t feel like he needs to make an honest woman out you, you have all the right to walk away. If you feel nababastos ka ng pamilya niya because they talk about another girl they want for him in front of you, then why allow it? Why let them?

    You know not all things will work out the way you planned. That is a fact of life we all have to learn to accept.

    Your life is a sad story as you’ve said, well, I cannot make it a happy one for you. You alone can edit your life story to make it a happy one.

    We only have one shot at life, my dear. Do not live a life full of regrets. If you can change something, change it.

    The saddest thing in life is to be in a relationship with someone but having only yourself trying to make things work between the two of you.

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.