Miserable People
X

CHLOE'S INBOX

Miserable People

January 13, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---MISERABLE-PEOPLE

    Dear DJ Chloe,

    Hi. I sent you a letter yesterday. At gusto ko i-revise kasi ginagawa ko ‘yun kagabi habang nasa byahe ako pauwi from work at sobrang magulong isip. Just call me I. Married with two kids. Sobrang magulo at komplikado ng buhay ko. It all starts when I got married at 21. Sumama ako at nagpakasal sa naging boyfriend ko kahit ilang buwan pa lang kami mag-on at hndi gaano kilala isa’t-isa. Nang mabuntis ako sa aking unang anak hnidi naging madali ang buhay namin dahil pareho kaming walang work. Umaasa lang kami sa nanay niya na nasa ibang bansa. Hindi nagtagal nagkaroon ako ng work at siya ang naiiwan sa bahay. Umpisa pa lang ng pagsasama namin nakita ko na totoong madali siyang maimpluwensyahan ng barkada at bisyo, to think na eight years older siya sa akin. Nagkaron kami ng second baby after seven years, still, the same setup. Ako pa din ang nagwo-work. One time may n:kilala akong guy at nagparamdam sa akin. Mali ko kasi in-entertain ko siya kaya naging kami. Lumalabas kami at may nangyari sa amin. Nabuntis ako nu’ng guy and I separated from my family at pinili sumama sa guy. Naglive-in kami. Sweet siya at okay naman kami pero 10 days after ko makapanganak sa baby namin, namatay siya. Boy siya at sobrang kamukha ng dad niya. Hindi na namin siya nalabas ng hospital hanggang sa nawala siya. Ang sakit kasi that time hindi na ‘ko nagkaroon pa ng anak dahil nagpaligate na ‘ko after three CS. Hindi naging smooth relasyon namin nu’ng pangalawa dahil lagi ko siya nahuhuli na may nagte-text. Ilang babae na rin ang nakausap ko dahil ipinaglalaban ko siya. On and off kami dahil sa ganung mga pangyayari. Minsan may time na nandun siya sa house kapag tinawagan ko siya at okay na kami minsan wala.

    One time almost 3 months na wala siya sa bahay dahil siguro napagod na ‘ko sa kanya nagdecide ako, balikan ‘yung una kong pamilya para sa mga anak ko. Tinanggap nila ulit ako and i-try na maging maayos kmi. Hndi pala ganun kadali lahat dahil nagd-drugs ‘yung una kong asawa nu’ng wala ako. Nandun pa rin ‘yung nag-iinom siya at lagi magulo sa bahay. Nag-away din kami na issue ay financial at marami pang iba. Minsan naman nakakatext ko si ex at nalaman niyang bumalik ako sa dati kong pamilya. Alam ko that time na hindi siya nawawalan ng girlfriend dahil knowing him, babaero talaga siya. Minsan nagkita kami at may nangyari ulit sa amin. Alam kong mali pero may time na hinahanap ko pa din siya. Minsan nabalitaan ko, may girlfriend siya. Hindi ko napigilan masaktan. Nalaman ng girlfriend niya about sa amin dahil one time tumawag ako sa cellphone niya at ‘yun ang sumagot. Mula nu’ng araw na ‘yun nakablock na number ko sa kanya. Hindi ko na siya makausap kaya gumawa ako paraan para makita siya. Muli kami nagkita at nag-usap pero gusto niya dalawa kami ng girl. Pero nalaman na naman ng girl at nag-away sila. After nu’n hindi ko na ulit siya matawagan. Hindi ko alam if binalikan siya n’un. Ang sakit sobra dahil bumalik sa akin ‘yun pakiramdam na mahal ko pa din siya. Alam ko mali pa rin pero hindi ko kaya. Mahirap din naman mawala ulit mga anak ko sa akin. Ano gagawin ko?

    Miss I

    Dear Miss I,

    Do you still have a sense of right and wrong?

    Sorry for being a bit blunt with you but someone should tell you that “Hey! What a selfish ;!:«*€ you are!”.

    All you think about is yourself and what makes you happy and how much you are hurting. While you are so busy being self-absorbed, while you are so busy ruining your own life, ang di mo alam, anak mo at pamilya mo ang nag sa suffer. Grabe Ma’am! I do not really know how to put some sense into your head.

    Maawa ka naman sa mga anak mo. Malaki ka na. I am sure aware ka na mali ang ginawa mo. Lalayasan mo asawa mo the pupunta ka sa iba. Mananawa ka sa asawa mo for some reasons tapos babalik ka na naman sa isa. Meron ng iba. Anong meron sa merry go round? 2017 na at hindi naluluma ang gumawa ng tama. Shape up dear! You don’t have a lifetime to fix everything you have ruined. Shape up for the sake of your kids. You don’t have a lifetime to think that you still have time to change.

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.