CHLOE'S INBOX
Bend A Little Than Break
January 18, 2017
-


Hi, good morning, DJ Chloe!
Ano po ba ang definition ng maluho?
‘Yun po kasi ang sabi ng asawa ko. Maluho daw ako. Wala din po akong bisyo. Kapag na sa bahay lang po ako, ang suot ko po ay t-shirt at leggings. Pero kapag-aalis ako, nag-aayos po talaga ako. Palagi nga po akong napagkakamalang mayaman at dalaga pa. Mahilig po kasi ako sa damit, which is kabaliktaran sa asawa ko na kung ano ang iisuot niya, ‘yun na. Ang sabi ko po sa kanya damit lang talaga ang kaligayahan ko.
Matatawag po bang luho ito? Please hide my identity po.
Salamat!Ms. G,
I think common naman sa mga babae ang mahilig manamit.
I am just thinking kasi, oo, mahilig ka sa damit at baka naman designer at madalas kang mamili nito and it is hurting the family budget.
Isa pa. If you’re buying, whose money are you spending? His money or your hard earned money?
Dapat kasi tayong mga babae kahit may mga asawa na, may sarili pa rin tayong earnings at pagkukunan kahit pambili natin ng sarili nating napkin at panty liner.
Kung mahilig ka sa designer brands, preno ng konti. Parehas lang ‘yan na damit. You can wear all the designer brands but not have any class at all and you can buy from Divisoria and look classy because you have style. Nasa nagdadala lang ‘yan.
Matatawag na luho ‘yan kung wala na sa lugar ang pagbili mo at nakakaapekto na sa kabuhayan niyo.


-
COMMENTS














