Forgive, Forget Then Get Healed
X

CHLOE'S INBOX

Forgive, Forget Then Get Healed

January 23, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---FORGIVE-FORGET-THEN-GET-HEALED

    Hi DJ Chloe,

    Sana mapost mo ‘to para naman matauhan ako. Itago mo na lang ako sa pangalang Quenny. I’m married with kids. Nagwo-work ako noong mameet ko itong guy na ‘to. Manager siya sa pinapasukan ko. Ang sabi doon babaero daw siya. So nu’ng una ilag ako sa kanya. Pero napakabait niya kaya naging close kami. To make the story short, na-fall ako sa kanya. Tumagal kami ng three years wala siyang tinago sa akin. Alam ko kung naka-ilang babae na siya. Pero ako daw ang nagpabago sa kanya. Weh, hindi nga? Hello, kasal din siya with kids. Nagger ang wife niya madalas kong pakinggan kung paano sila mag-away. To the point na ayaw niya na talaga. Halos ako na sinusunod niya sa bawat desisyon niya. Pati sa trabaho niya ako nagdedecide. Alam kong mahal na mahal niya ako. Naging sobrang demanding ko at paranoid. Ang tagal niyang tiniis ugali ko.

    Huling away nila ng wife niya ako pa rin nagdidikta. All of a sudden, isang araw nagtampo ako. Hindi niya na ‘ko inamo. Nalaman ko na lang okay na sila ulit ng wife niya. Ang sakit, DJ Chloe. Lahat ng karma sinalo ko na. Ganito pala masaktan sa pag-ibig. Alam ko lahat ng makakabasa nito ay  i-jjudge akong malandi, home wrecker, makati, pok-pok. Kasal ako, kasal siya. Pero minahal ko talaga siya. Kaya sobrang sakit na bigla niya akong binasura. Dahil pinaramdam niya sa akin na ako ang mundo niya. Tapos bigla niya ako iniwan. Oo, nagalit ako pero hindi na niya ako sinuyo. Tawag ako ng tawag, wala na. Ang sakit-sakit ng karma ko, DJ. ‘Di ako makafocus sa work iyak ako ng iyak sa gabi. Parang sasabog dibdib ko. Hindi ako sumulat para humingi ng simpatya. Gusto ko lang malaman ng lahat na minsan kahit ayaw mo tumitibok sa maling tao ang puso mo. Sana DJ makalimutan ko na siya. Sana mabigyan niyo ko ng magpapauntog sa ulo ko.

    The unfaithful wife,

    Queeny

    Hi Queeny! :)

    Tama ka, minsan kahit ayaw mo, bibigyan ka ng pagsubok. Susubukin ka. Pero dahil mahina ka, you will give in.

    God will always give us a way out so we don’t fall into sin. Laging meron. We just ignore it kasi mas gusto nating gawin ‘yung gusto talaga nating gawin.

    Pero nangyari na.

    I would say, that take this as a way out for you, to repent, to mend your ways and to forgive yourself.

    Alam mo ng mali, it’s more than enough that you enjoyed it while it lasted.

    What if nalaman ng asawa mo? Are you ready for anything that might happen? Or nalaman ng asawa niya? Handa ka bang mabasag ang mukha mo dahil ginulpi ka ng asawa niya?

    No one is perfect and no one is free from sin. But God is so good He’d always give us the chance to change and to repent and He will forgive us because He is merciful.

    And you should take that opportunity.

    This is cliché, my dear. But if you pray unceasingly and ask God to remove from your heart all the feelings and desire you have for this man, He will take it away from you. And will forgive you from all of your sins. It is no longer important what people will say about you. What is important is your identity to Him.

    You are married, you have a husband. It is not too late to love him again.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.