7B's
X

CHLOE'S INBOX

7B’s

January 25, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---7B'S

    A good day to you, Ms. Chloe.

    Please do not mention my name. I’m a mother of three girls and this is how my story goes. My eldest daughter is now on her 5th grade in elementary. Hindi naman po sinasdya nabasa ko mga messages sa inbox ng account niya sa Facebook dahil hindi niya na-logout. Hindi ko po alam ano gagawin sa ngayon dahil pinag-uusapan na nila ‘yung tungkol sa mga crushes nila, not to mention nakikipagchat din siya sa opposite sex na wala naman masama pero hindi po ako komportable. Ano po ba dapat kong gawin sa ngayon? Hindi ko po alam pano i-deal ‘yung ganitong sitwasyon. Mahirap pala pag ikaw na nakakaharap sa ganito. Please help me, DJ Chloe. Thank you for reading my problem. God bless!

    Confused Mother

    Hi, Mommy!

    Iba na po ang mga kabataan ngayon and I would say this is the best time for her to be your friend. Do not build a wall sa anak mo. Mas maganda nga sa’yo mag-open up about crushes. Normal naman ang may crush, ‘di ba? Ako nga noon patay na patay ako kay Aga Muhlach noong Grade 5 ako, hahahaha! Lahat ng poster niya meron ako. May crush din akong taga ibang school, hanggang ngayon nagkakacrush pa rin ako, kay Derek Ramsay, kay  Ian Veneracion sa “A Love To Last Kaya” I watch it every night at kay Coco Martin kaya nanunuod din ako ng “Ang Probinsyano” hahahahaha!

    Try to talk about it with your child lightly. Start conversing with her, “Kamusta anak? Kamusta sa school? Okay, naman?” Encourage her to make kwento, magk-kwento ‘yan. Make it fun. Ang anak ko may crush din, nakita niya sa debate team ng isang school. May tournament na naman daw sila. Sabi ko, “oh edi makikita mo na naman ‘yung crush mo na hindi ka naman crush?” Matatawa na lang siya at magtatawanan kami.

    Ask her, “may crush ka na ba?”, “Okay naman ‘yan, normal ‘yan anak na may crush ka”, “Nagdadalaga ka na? Baka may manliligaw ka na, ha? Okay lang ang crush kasi inspiration mo ‘yan. Pero ‘wag ka muna paligaw.” Eto sabi ni DJ Sam na sinasabi niya daw sa anak niyang dalagita, the 7B’s!

    “Books first Before Boys Because Boys Bring Babies.” Oo nga naman, ‘di ba? So do not be afraid to talk to your daughter about it. You may think she’s still young. Yes, she is but you’ll be surprised to know na marami na silang alam. Internet era na, mommy.

    And it would be best for you to talk to them about relationships, about sex, and the reproduction system. Talk to them about it scientifically kaysa sa iba sila magtanong? You can talk about it ng hindi bastos ang dating.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.