CHLOE'S INBOX
Cheating Is Not Always The Answer
February 1, 2017
-


Good evening to you. I’m a married person and a mother of two. Sa matagal na panahon na pagsasama namin ng aking mister ay unti-unting nawala ang affection ko para sa kanya dahil sa masamang ugali niya. Sa ngayon, patuloy akong nakikisama sa kanya alang-alang sa aming mga anak. Ngunit hindi ko na nararamdaman na minamahal ko parin siya. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na nais kong sumaya. Natuto akong makipag-usap sa kabilang mundo. I mean, nakipagkaibigan ako sa mga foreigners. Truly, DJ Chloe, nag-enjoy ako sa pakikipag-usap sa kanila. Marami sa Manila nililigawan ako pero ayoko kasi may asawa akong tao. Kahit na ba sabihing ‘di ko na mahal ang mister ko. Pero merong isang lalaki na nagpatibok ng puso ko. Naging boyfriend ko siya sa chat. Ilang beses ko siyang nirereject noon. Pero mapilit siya. Tunay nga na ang babae weakness niya ang care, attention, and affection from a guy. ‘Yun ang kulang na kulang sa’kin, DJ Chloe. Kaya madali akong nahulog sa taong ito. Tumagal ng six months ang relasyon namin. Ilang beses ko siyang paulit-ulit na iniiwan pero consistent siya. Kahit paulit-ulit kong sinasaktan ang feelings niya. ‘di pa rin siya nagsasawang mahalin ako. But now, sa dami ng abnormalities ko bilang isang babae na naipakita ko sa kanya, unti-unti na siyang nagbabago. Pati ako nagbago kasi higit ko siyang minahal
kumpara nu’ng una kaming magkakilala.Ang problema ko, DJ Chloe, mahal na mahal ko na siya pero siya parang napagod na sa’kin. Nais ko po sanang marinig ang inyong payo. Please don’t mention my name.
Thanks a lot and may God bless you.
Hi!
Ito ‘yung bagay sa’yo, ate eh, “don’t cheat if you’re unhappy, just leave.” Ano, may mga anak? ‘Di makaalis dahil may mga anak? Gasgas na gasgas na ‘yan eh. ‘Yan na ang pang justify ngayon sa panloloko. “‘Di ko maiwan kasi dahil na lang sa mga anak namin.” “Naaawa ako sa mga anak namin.” “Pinapakisamahan ko dahil sa mga anak namin.” Kawawa naman ang mga bata sila na lang lagi ginagawang sangkalan eh. Did they even ask you to endure for them? You have two problems here and the other one doesn’t even deserve to be your problem. Una asawa mo, anong solusyun mo muna sa kanya? Ganyan na lang, hayaan na lang? Kasi pwede mong hiwalayan kung talagang ugaling askal ang asawa mo. As you have said masama ugali, ‘di ba? Ano naman kaya sabi niya about you? Sana mabigyan mo muna ng solusyon ang problema mo sa asawa mo kasi nagsasama kayo ng ‘di na kayo masaya sa isa’t-isa? Unfair for both of you. Ngayon may isa pa, foreigner. Chat lang ba ‘to? Ba’t parang mas malalim pa dun? Sure ka na ang taong ‘yan eh ‘yan nga kausap mo? Uso human trafficking ngayon sobra. Uso din ang lokohan sa net. Ate, 2017 na. Manong mag-ayos ka ng buhay mo. Hindi ka na po daisy sa edad mo at may anak kang dalawa. ‘Di ba dapat kapakanan ng mga anak mo iniisip mo? Sorry, harsh ako ngayon. Sometimes I can’t believe lang na mas problema pa ng ibang tao ang ganitong mga bagay kaysa sa future ng mga anak nila or may future ba silang mabibigay sa mga anak nila?
-
COMMENTS















