CHLOE'S INBOX
You Don’t Deserve Cheap Treatment
February 6, 2017
-


Dear DJ Chloe,
Hi! Just call me Ms. Elise. I’m 29 years old, mom of a two year-old baby boy. Nagwork ako sa bank before where I met the father of my son. Valued client namin siya and family niya. At first, ayoko sa kanya. He’s now 37 years old. Feeling ko kasi noon swag at brat siya. Unlike ako na focused lang sa work and family. For the past six years of our relationship I could say na parang roller coaster talaga. Dito ko nafeel ang heaven and hell at the same time. Sumugal ako nang nakipagrelasyon ako sa kanya. Pinakisamhan ko siya, ginusto ko lahat ng gusto niya. Naisip ko matured enough na siya para magpamilya and stable naman ang business ng family nila so bumigay na ‘ko. Yes, DJ Chloe. He’s my firs time sa halos lahat ata ng bagay. Travel, food, sex, etc. Though hindi naging madali ang lahat dahil sa mother and sister niya. Tanging ang dad-in- law ko lang ang sumusuporta sa’ming dalawa. Four years na kami nu’ng nabuntis ako. Sobrang saya at excited niya gusto niya na talaga magkababy. Hindi kami nagpakasal dahil sukob sa wedding ng sister ko. Halos nagkasabay kasi kami mabuntis. So nadelay na din until we realized na ‘wag na muna, parang ayaw na din namin sa isa’t-isa. Puro away, ang daming problema. Hanggang sa wala ng plans.
Nagstay at-home muna ‘ko para maalagaan ang anak namin. Sobrang hirap kasi. Habang nag–aalaga ako ng bata at gawain ko lahat sa bahay, siya naman busy palagi sa mga barkada. Madalas umaga na din ang uwi niya kahit emergency. Hindi siya sasagot sa mga tawag or text wala siyang pakialam. Nagpakamartyr ako,DJ Chloe. Sinubukan ko pa din gawin ‘yung best ko para maging isang mabuting may-bahay. Pero dumating sa point na kahit anong kabutihan ang ginagawa ko para sa kanya lagi pa din akong may mali. Though sinusuportahan naman niya ang anak namin, ‘yun nga lang pagdating sa’kin bahala na ‘ko sa sarili ko. Kahit basic needs like food, etc. biglang nagbago. Namatay na din ang dad-in-law ko kaya wala na din sumusuporta sa’kin at nagpapayo sa’ming dalawa.’Yung nanay at kapatid niya naman walng ginawa kundi sabihan siya na iwan ako at dalin ang anak namin sa kanila dahil mas kaya daw nilang suportahan ang anak ko financially. One time, nahuli ko din na itatakas nila at isasama out of town ng hindi nila sinasabi sa’kin dahil nasa work ako. God is good. Bigla na lang, mother’s intuition nag-early out ako from work.
Dumating ang Christmas and New Year. Akala ko magce-celebrate kami as family just like before pero bigla na lang sabi ng husband ko dun sila magce-celebrate ng anak ko sa mother-in-law ko at take note ‘di nila ko sinama. Naiwan ako sa bahay mag-isa.
Sobrang sakit nu’n pero ‘di ko na lang ginawang issue pa. Noon kasi nagagawa niya pa ‘kong ipaglaban against them pero nu’ng nawala ang dad-in-law ko mas kinakampihan niya na ang mom and sis niya against me. Hindi ko alam pero maging sa Facebook eh in-unfriend niya din ako. Pero naisip ko, siguro para ‘di din malaman ng nanay niya na magkasama pa din kami. Every night I prayed to God, hindi na para magbago pa siya. I think narealize ko din na he’s not a man enough to raise his own family kahit matanda na siya asa pa din sa yaman ng magulang niya. He’s not working. Gusto niya ako ang magwork para sa pamilya namin. Kung wala siya sa labas kasama ng barkada niya nasa bahay lang at maghapon nakaharap sa cell phone at computer niya. Wala siyang ginawa kundi humilata. Pero I never nagged. Siguro nga ganun ‘yung kinalakihan niya. Hindi mo pa talaga lubos na makikilala ang isang tao hangga’t ‘di mo siya nakakasama sa isang bubong . Almost three years na din kami magkasama and honestly I prayed to God for the wisdom and strength to do what I need to do. Ayoko maging miserable for life. Ayokong lumaki ang anak ko na makita niya how his dad treats me. Walang love at higit sa lahat walang respect. DJ Chloe, minsan alam naman talaga natin ang sagot sa situation natin pero this time please enlighten and encourage me that life must go on whatever it takes. How painful it is ’cause that’s the only way to be free and find happiness again. Honestly, I am not the sweet woman that I was before. I feel so broken every single day pero kinakaya ko because I have my son. Thank you so much and more power.
Ms. Elise
Dear Ms. Elise,
At kakayanin mo kahit mag-isa ka because you have your son with you, right?
So what’s keeping you from packing your bags and leaving these crazy people?
Are you scared na baka mahirapan ka buhayin ang anak mo, at mayaman sila, na ‘di bale ng harap-harapan kang sinasabihan na bahala ka na sa sarili mong pagkain basta’t ang anak mo eh alaga at sustained nila?
Dear, baka one of these days singilin ka na nila ng renta sa bahay nila at pati tubig at kuryenteng gamit mo, kwentahan ka? Napaka-inutil naman ng asawa mo at napakasama para gawin ‘yan sa’yo, despite of all your sacrifices, if you are telling me the truth.
I smell so many hidden fears. Maybe you’re afraid that if you leave with your son tuluyan nilang kalimutan ang bata. Tiisi, hayaan kang buhayin? Ellise, MAHAL NG DIYOS ANG MGA SINGLE MOTHER AND I AM A LIVING EXAMPLE, TELLING YOU THAT NEVER WAS THERE A TIME THAT GOD DIDN’T PROVIDE FOR MY EVERY NEED. So, bakit ka matatakot mag-isa? At mag-isang buhayin ang anak mo? You work, may pinag-aralan ka. Nag-iisa lang ‘yan. ‘Di mahirap buhayin ‘yan.
Maybe you’re afraid that if you leave this man of yours eh maging masaya siya sa ipapalit niya sa’yo and you end up being miserable? What if you realize that he is really not worth it? What if you end up having peace of mind after walking away? Peace is always a matter of choice, my dear. Either you accept your fate and stop complaining about your choices or you walk away and stop accepting crap from these people?
No matter what you say, you will never get my approval. I will never tell you to stay. No woman deserves to be treated the way he treats you to the point of breaking you up that you no longer value yourself. And you no longer see your worth, that is what he did to you. Tinapakan ka at patuloy kang nagpapatapak sa kanya? For what? Love? Konting ginhawa sa buhay? Is it worth it?
-
COMMENTS















