The Right Love At The Wrong Situation
X

CHLOE'S INBOX

The Right Love At The Wrong Situation

March 6, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---THE-RIGHT-LOVE-AT-THE-WRONG-SITUATION

    Hi! Good afternoon DJ Chloe!

    I’m Barbie, not surely name. Pwede po ba ako humingi ng advice? Ang hirap po kasi ng situation ko. May boyfriend po ako at  magfo-four months palang kami. One week na kami nagsasama simula ng hiwalayan niya real family niya. Yes po, may sarili siyang pamilya. Tatlo na ang ang anak niya sa kanyang asawa at 27 years na sila nagsasama before sila maghiwalay dalawa. Ako din po hiwalay na din 1 year na. May 2 kids po ako at nasa asawa ko sila ngayon. Nagtatatrabaho po ako bilang housekeeping at ‘yung bf ko naman, maganda ang trabaho at regular siya. Pero dahil po sa nakipaghiwalay siya sa asawa niya, wala po siyang nakukuha kahit magkano. Kaya po ako lumalabas na bumubuhay sa amin ngauyo. Dj, nahihirapan po ako dahil hindi ‘din po ako sanay sa hirap kagaya ng bf ko, dahil po parehas kami maganda buhay before. At lalo po ako nahihirapan ‘pag nakikita ko siya nagsu-suffer dahil ako ‘yung pinili niya kaysa sa pamilya niya., dahil hindi ko maibigay ‘yung mga bagay na nakasanayan na niya. Hindi naman po siya nagrereklamo, pero nararamdaman ko pong  nahihirapan siya. Mahal na mahal ko po siya dj chloe, pero hindi ko kayang panindigan siya. Tapos mayroon po siyang ex bago ako. Two years po sila at until now naghahabol sakanya ‘yung girl. Dumadating po ‘yung point na ikinukumpara niya na ako doon sa ex niya kasi ‘yung ex nya, handa gawin lahat para sa kanya. Kaya siya buhayin at lahat ng gusto niya, binibigay. Pero hindi na daw po niya mahal kaya daw po ako pinili niya kaysa sa family niya at doon sa girl, kasi ako yung mahal niya. Pero bakit po ganoon? Nahihirapan po talaga ako. ‘Di ko na po alam gagawin kasi sobra ko po siyang mahal. Pwede niyo po ba ako bigyan advice?

    Barbie

    Barbie,

    Gusto kitang pagalitan pero mas naaawa ako sayo. Naaawa ako sayo ‘di dahil nahihirapan ka sa buhay na pinili mo, sa sitwasyun na ginusto mo, kung hindi dahil walang Diyos sa buhay mo. Kasi kung meron at may takot ka sa kanya, malamang ‘di mo gagawin ito. You said 27 years ng may asawa, ikaw din 1 year ng hiwalay. May anak siya ,may anak ka. So malamang, you had an affair with this man. Sa tono ng salita mo parang ikaw pa yung nahihiya sa kanya na “hindi mo maibigay” ang mga nakasanayan niya? Sa mga anak mo ‘neng di ka nahihiya? Di ko na to pahahabain pa. Ikaw may gawa nito sa buhay mo, ikaw din makakapag-ayos ng sarili mo. Ituloy mo ‘yan at tuluyang pahirapan ang sarili mo, or isauli mo yan sa asawa niya kung tatanggapin pa siya, or sa nanay niya kung meron pa, at gawin mo ang tama. Magpaka-nanay ka sa mga anak mo.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.