CHLOE'S INBOX
Experience Is A Teacher
March 13, 2017
-


Hi DJ Chloe,
Pwede ba akong mag-ask ng advice. Lagi ako nakikinig ng progrma. Gusto ko lang sana i-konsulta sa’yo ‘tong feelings ko. At kung ano ang masasabi mo at maipapayo. I’m married for almost nine years na po. May isang daughter na po. Mahal ko po ‘yung family ko. But sa ngayon malayo ako sa mag-ama ko. Alam ko po sa sarili ko na gusto ko makasama habng buhay ang asawa ko. Okay naman po kami sa ganung setup. Kahit malayo ako. Alam ko naman na mahal ko ang husband ko. Pero may nakilala ako at naging close kami. Actually, naging kami for two months na po ngayon. Pilit ko po iniiwasan. Lagi ko po ipinagdarasal na ilayo ako sa mga ganitong trials. Pero ‘di ko po napigilan. Nahulog po talaga ‘yung loob ko sa guy na ito. Pero nasaktan ko po siya. Lalong-lalo na po ‘yung ego niya. Nu’ng one time niyaya niya ako mag-usap kami sa lugar po na kami lang. Nandun na po kami at lahat po pwedeng mangyari sa sobra niya pong gustong may mangyari sa’min dahil daw sa mahal namin ang isa’t-isa. Pero tinanggihan ko po siya dahil takot din po ako na mas lalo pang magkasala. DJ Chole, mali ba ang ginawa ko? Nasaktan siya ng sobra kasi nagwalk-out ako. At ngayon ‘di na siya nagparamdam. Nasaktan ako kasi na iparamdam niya sa’kin ang katotohanan na ‘yun lang ang mahalaga sa kanya. Samantalang ako halos muntikan ko na masira ang family ko. DJ Chole, ano ba dapat kong gawin? Kailangan pa ba namin mag-usap? O hayaan ko na lang siya? Sana po kahit ‘di niyo na ‘to mapili iere sa progrm mo, sana po maadvice niyo ako. Salamat po and more power sa inyo.
Ms. Libra
Dear Ms. Libra,
Naku naman, ateng. Maliwanag pa sa sikat ng summer kung ano ang pakay sa’yo nitong si nakilala mo. Ate, hindi na tayo dalaga para magmaang-maangan na ‘di mo alam ano ang gusto lang sa’yo. Tingnan mo nga, ‘di nakuha, naglaho na ng parang bula! You’re asking me if mali ang ginawa mo na tanggihan siya? Ang tanong mo dapat, mali ba ang ginawa kong makipag relasyon sa kanya na meron na rin naman akong asawa? ‘Yan ang dapat na tanong mo eh. Enough na ma’am, iniiwasan ka na hayaan mo na siya ‘wag ka ng maghanap ng explanation dahil in the first place wala kang karapatang makipagmabutihan diyan. You’re married. End of story.
-
COMMENTS















