What's Worst About Depression
X

CHLOE'S INBOX

What’s Worst About Depression

March 15, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHAT'S-WORST-ABOUT-DEPRESSION

    Hi, DJ Chloe!

    Sana po mabasa niyo ‘to. ‘Di ko na po kasi alam ang gagawin ko. Please keep my identity secret.
    By the way, my mom is an avid listener of your program. Ang galing niyo daw po kasi magpayo.
    So here it goes. I used to be on top po sa class when I was in junior high school. Lahat po ginagawa ko para magkaroon ng mataas na grades. Halos ‘di na po ko matulog kakagawa ng school works o kung ano man. Pero nakakasunod pa po ako sa lessons/discussions. Actually, nagiging highest pa rin po ako kahit puyat. Maganda pa po ‘yung takbo ng utak ko.

    Pero ngayon pong nag senior high school na ‘ko, nag-iba–nagbago lahat. Bigla na lang po ‘kong naging makakalimutin, ‘di na po ko makapagfocus sa pag-aaral, wala na po talagang napasok sa utak ko kaya nawalan po lalo ako ng confidence. ‘Di na po ko makasagot sa recitation. Nakakaiyak, naapektuhan na po lahat kakaisip ko kung bakit ako nagkaganito. Parang mas lumala po ‘yung pagiging maiinisin ko. Sa gabi po maiiyak na lang ako hanggang sa makatulog (mga 3am po kasi ang hirap pong makatulog). ‘Pag ako lang mag-isa maiiyak nalang po ako. Nawawalan na po ko ng gana sa lahat (kahit po ‘yung gusto kong gawin dati, wala na). Feeling ko po pagod na pagod ako kahit matulog. Madalas na pong sumakit katawan ko pati po ulo ko. ‘Yung kaisa-isa ko pong best friend napagod na sa’kin pero I believe she’s better off without me. Basta po parang pinalalayo ko ‘yung mga tao sa’kin (marami pa pong nangyayari sa’kin). Hanggang sa may nakita po akong symptoms ng depression, naiyak na lang po ako. So nagtry po akong magdepression test online. Lahat po ng result severe depression. Ang hirap-hirap na po. ‘Di ko maintindihan sarili ko. ‘Di ko po masabi sa parents ko kasi baka magalit sila, ‘di nila ko paniwalaan, o gawin ulit joke. Ayoko din pong maging pabigat kahit kanino. Ang sakit na po. Dapat na po ba ‘kong magpa-psychologist o normal lang po sa tao maging ganyan? Thank you. God bless you po.

    Cindy

    Hi, Cindy!

    Sana hindi pa ako huli. I’m sorry ngayon ko lang nabalikan itong letter mo.

    Senior high? Ka-edad mo youngest ko. Senior high din siya and I know what you guys go through, lalo kapag nasa strand ng STEM. Hindi ko alam sa ibang strand pero since nasa STEM ang anak ko, alam ko ang pagpupuyat niya sa pag gawa ng PT’s at ang struggle niya sa calculus.

    Seriously, I also feel like hindi yata napag-isipan or napaghandaan itong K-12 na ito, if there’s a teacher or an educator in the house, your two cents on this matter will be highly appreciated.

    Anyways, anak, it is important that you make it known specially to your mother what you are going through, regardless of how hard it will be for you to tell her, you have to.

    Hindi biro ang depression, and I think you, being so exhausted is the main cause of this depression you are feeling and going through right now.

    Try to get a hobby, something that will help you relax after a long and tiring day.

    Find something you can do that’s not school related, kahit simpleng pagbili ng coloring book and finding time to work on it.

    Try to talk it out with someone whom you trust and best of all, tell your mother about this.

    Maybe not all the time, but I still believe that mother knows best.

    To all parents, let us find the time to check on our kids. I am also guilty of this, minsan akala natin okay sila pero let’s find the time to talk to them, check on them every day and listen to what they have to say. Encourage positive talk. Kasi ibang-iba na po ang buhay at pag-aaral ngayon that I myself think matapos man mag-aral ang mga anak natin sobrang exhausted na sila.

    Let us always pray for our kids, for what’s best for them and not what we want for them.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.