CHLOE'S INBOX
Real Men Value Their Relationship
March 21, 2017
-


Hello, DJ Chloe! I badly need your advice. Please, hide my identity. I’ve been spending my time for almost two months feeling empty because I broke up with my boyfriend for almost four years. I was so sad that’s why reading the experiences of your followers make me feel stronger. Kasi ‘di lang pala ako ‘yung nakakaranas ng pain mula sa mga lalaking manloloko at malandi. My boy friend is married and I know that ever since we started. Pero tinanggap ko siya kasi mahal ko siya at I never used that against him para pagsimulan ng away namin. He is my first boy friend at 10 years ang gap namin at may isa siyang anak. 24 lang po ako. Sabi niya kasi nagbago na siya sa pagiging womanizer niya. Five years na po sila separated ng asawa niya at ‘yung asawa niya po nasa ibang bansa at may boy friend na rin po. ‘Di lang po nila ma-work out ‘yung annulment since wala pang budget. Naghiwalay po sila kasi babaero siya. Aminado naman po siyang babaero siya noon pero he made it clear na swerte ako dahil nagbago na raw siya. Sweet siya, gentleman na mejo bastos, samantalang ako ay ‘di mahilig makipaglandian kahit na mas bata ako.
‘Di rin ako pakealamera kaya ‘di ako nangengealam ng mga personal niyang gamit gaya ng Facebook at cellphone niya. Basta kung anong sinabi niya ‘yun na ‘yung papaniwalaan ko. ‘Di ako kinukutuban at naghihinala since siya nga ang una kong boyfriend kaya nagtiwala ako. ‘Di naman po sa pagmamayabang pero mabait po ako. ‘Di po bungangera at ‘di ako palahingi ng materyal na bagay. ‘Di ako nanghihingi at bumibili ako ng gamit ko sa sarili kong pera at kung lumabas kami, I make sure na hahati ako sa gastos. Magkaopisina po kami bago ako nakipaghiwalay. Ang sakit ng ulo ko ay nagsimula two years ago ng malaman ko na may naging karelasyon pala siya sa office niya at ang masakit ay nabuntis niya ‘yung babae.
Pinatawad ko siya nang mabuntis niya ‘yung babae pero nakunan. Naisip ko po kasi na bigyan siya ng chance since unang kasalanan niya ‘yun at umasa ako na ‘di na mauulit. Inamin niya rin naman ‘yung kasalanan niya. Hanggang sa lumipas ang dalawang buwan, nalaman ko po na sila. Kasama na naman niya ‘yung babae at nagpunta pa sila sa Cebu kasi tumawag po ‘yung babae.
By the way, alam po nu’ng babae na may girlfriend siya nu’ng patulan niya pero go pa rin po ‘yung babae. Masakit pa po, binigyan pa ‘ko ng pasalubong ng boyfriend ko noon kaya nagtaka ako. Sabi niya galing lang daw po sa pinsan niya. Hanggang sa tumawag ‘yung babae sa’kin at inamin na sila pa. Kinausap ko po ‘yung boyfriend ko at since mahal ko siya pinatawad ko po ulit at nagtiwala sa kanya. Dumating ang father’s day, marami pong dalang pagkain ‘yung boyfriend ko. Sabi niya po may birthday lang daw po sa kanila. Pagkaopen po nu’ng bag na lalagyan ng food may nahulog po. Hanggang sa dumating ang fathers day, marami pong dala food ‘yung boyfriend ko at binigyan niya pa ‘ko. Napansin ko pong may nahulog na letter. Tinapon niya po ‘yun agad. Pero may kutob po ako kaya pagkatapos namin kumain pinauna ko na siya tapos kinuha ko sa basurahan ‘yung letter. Nalaman ko po na galing po sa babae ‘yun. Ang sakit-sakit po. Naiiyak na po ako noon pero pinigilan ko dhil ayokong gumawa ng eksena sa office namin at ayoko pong mapahiya ang boyfriend ko. ‘Di po ako pa-victim, DJ. Pinipilit ko po magmukhang okay na parang wala kaming problema sa office noon. Kasi ‘yung kasiraan ng boyfriend ko ay kasiraan ko rin ‘yun ang nasa isip ko. Una po nagdeny siya pero sabi ko kinuha ko ‘yung letter. Dun po siya umamin at sabi niya ‘yung girl ung habol ng habol sa kanya. Dahil mahal ko pinatawad ko pa po. Tumagal pa po ang relasyon namin hanggang sa kinutuban po ako na may mali. I decided bisitahin ‘yung Facebook account nu’ng girl at to my surprise DJ, nag-out of town pa sila ulit. Ang sakit po kasi birth month ko ‘yun tsaka ko nalaman na sila pa. Mega deny pa po siya at ayaw talaga umamin. Marami pa po, DJ. Haaaaay…dahil nga po siya ‘yung una kong boyfriend ‘di ko po siya mabitiwan lalo na ‘pag bumabalik at sinusuyo niya ‘ko. Pinapili ko po siya sabi ko kung dun siya sa babae ‘wag na siyang bumalik pero masakit po. Ako raw po mahal niya, tapos lolokohin niya ‘ko ulit. Iniisip ko nga po baka po magaling sa kama ‘yung girl kasi 38 years old na po siya. Ngayon po, buntis po ulit ‘yung babae at kini-claim na siya ‘yung ama nu’ng bata. Napakasakit po, kaya I decided na magresign na. Nu’ng lumipat po ako ng work sinusuyo po ako ng boyfriend ko ulit at sabi po niya nagsisinungaling po ‘yung girl. Since tanga nga po ako, nakipagbalikan ako ulit at naniwala na baka nga hindi niya anak. Pero lagi ko na po siya inaaway at lagi po ako kinukutuban. Tapos I checked po ‘yung Facebook ng boyfriend ko and I learned na my isa pa siyang Facebook account na hindi man lng niya ‘ko friend. Then I decided makipaghiwalay na po sa kanya. I broke up with him via text. Sa ngayon, we don’t have contact po for one month and two weeks. ‘Di po ako nkikipag-usap sa kanya, as in. Ang kinakatakot ko lang po ‘pag bumalik po siya. Feeling ko po ang panget ko na. Gusto ko na po magmove on, DJ, pero masakit po ‘pag naaalala ko siya. Minsan po naiisip ko po gantihan siya makipaglapit sa kanya ulit para mabaliw naman ‘yung babae pero ‘di ko po magawa dahil sayang lang sa oras. Pano po ‘pagbumalik siya? Ano pong gagawin ko? Gusto ko na po magmove on at minsan sumasakit po ulo ko kakaisip sa kanya. ‘Pagsinasabi po niya kasi na ako ‘yung mahal niya naaawa ako sa kanya. Mayaman po ‘yung babae. Please, I need your advice po. Thanks. Paki hide na lang po identity ko. Pasensya na po mahaba.
Nakalimutan ko, DJ, sabihin na ‘yung babae nagme-message pa po sa’kin sa Facebook na inaagaw ko raw po ang boyfriend niya. Sinasabi ko naman po na ‘yung lalake ang lumalapit sa’kin at ang kapal niya siya pa po ‘yung galit sa’kin.
Ms. Trying Hard Magpanggap Na Okay
—
Wow. You are an epitome of a perfect girlfriend. ‘Di nagrereklamo. ‘Di nagbubunganga. ‘Di nakikialam ng cell phone. Hahahaha.
Seriously, madam, sa hinabahaba ng sulat mo sa akin, isa lang ang maipapayo ko sa’yo.
Ito ba ay asawa mo na para magsakripisyo ka ng ganyan? Sa pagkakaintindi ko, hindi. Isn’t that enough reason to dump him?
One more enough reason to dump him ay ang paulit-ulit na pambabae at pangakong napapako na ‘di na uulit. Once kang lokohin actually is enough reason for you to leave. Paulit-ulit at patawad ka ng patawad. Ikaw na ang may sayad (sorry harsh).
‘Wag tayong mag reklamo na nasasaktan, inaapi, niloloko ng paulit-ulit lalo kung paulit-ulit nating pinapatawad ha, ineng?
If my understanding is correct, nabuntis ‘yung girl and this time buntis ulit. So hindi pa ba sapat na sabihing nag-eenjoy siyang buntisin ng paulit-ulit si officemate?
Kung pagod ka na, pahinga ka. Kung ‘di mo kayang tiisin, ikaw ang umiwas, ikaw ang maglaho sa buhay nila. Do yourself a favor. Please love yourself enough to stay away from the vicious cycle of being cheated on.
-
COMMENTS















