Marriage Won't Make You Rich
X

CHLOE'S INBOX

Marriage Won’t Make You Rich

March 27, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---MARRIAGE-WON'T-MAKE-YOU-RICH

    Hi, DJ Chloe! I’m an avid listener and I really love when you are the airing, DJ. You can call Dane. My problem is not about love, but family. I don’t know why but my mom keeps on saying na umalis na ako sa bahay kasama mga kapatid ko at gusto niyang mag-isa lang siya. Although nagbibigay rin naman ako more than half of my salary kinsenas at katapusan, tumutulong sa bahay since panganay ako. And she always nags at me na dapat mag-asawa ako para makaipon at mapaayos bahay namin. Ayaw ko naman mag-asawa because I’m afraid I might be in a broken family like us. That’s why kahit magboyfriend ayaw ko pa although I’m turning 27 na this year. Then she keeps on saying na mabuti pa pamangkin niya nagpagawa na ng bahay, teacher naman sa public school ‘yun. And ‘yung neighbor namin na na- asawa ng koreano na nagpagawa na rin ng bahay. Hindi ko naman kaya ‘yun. Do you think ako ang mali? Do you think I need to settle down para matulungan sila or mangupahan na lang para makaiwas sa mom ko? Hoping to have an advice. Thank you so much and more power. Wishing na ma-air ang problem kong ito.

    Dear Dane,

    Your mother seems to have a better idea on how to make a shortcut in life. I am wondering why she didn’t apply it to herself. Makakahabol pa naman siya, pwede pa siyang magtyagang maghanap ng ka-chat na foreigner.

    Seriously, Dane, ako na magsasabi sa’yo, hindi financial plan ang mga lalaki, anak, ha? Magsikap ka para magkaroon ka. Una, mag-asawa ka daw para mapagawa na bahay niyo?

    Bakit? May boyfriend ka na bang mayaman? Wala ka ngang boyfriend, ‘di ba? So paano, mamimikot na lang tayo? Oh, mag-aasawa na lang ng ibang lahi basta mapagawa lang ang bahay? Ba’t ganyan ang nanay mo?

    Pwede kang mag-asawa ng mayaman, sure ka na bibigyan ka ng pera?

    Kung ako nanay mo, matutuwa na ako na kusa kang nagbibigay. Pero ‘di ako ang nanay mo eh. Siguro kung kaya mo try mo maging independent. Pagbigyan mo siya, try mo mamuhay mag-isa.

    Dito lang naman sa atin ang inuuban na nasa magulang pa eh.

    Iba kaya pag kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa.

    Live on your own, alone. Manage your own finances.

    ‘Di mo kailangang mag-asawa para magkabahay. On your own, magagawa mo ‘yan in God’s time.

    Sa mga magulang, ‘wag naman natin i-pressure ang mga anak natin. Hayaan natin silang matutong magdesisyon at panindigan ang mga desisyon nila. Pray for what’s best for them not what you want for them.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.