CHLOE'S INBOX
How Are You Letting Him Treat You?
May 2, 2017
-


Hi, Dj Chloe!
Meron po ako karelasyon na ka-opisina ko. 20 years age gap namin, may una siyang pamilya pero almost eight years na sila hindi nagsasama. Bago lang ako sa office namin nang malaman ko na asawa niya ang unang nagloko kaya nagkahiwalay sila. Three years na ‘ko sa office nang maging kami, wala kami official commitment na “kami” talaga pero lagi kami lumalabas. Ginagawa namin mga gawain ng magboyfriend and girlfriend. Five years na po kami until one day nalaman kong may anak pa siya sa iba at hindi niya sinabi sa’kin ‘yun. Nu’ng tinanong ko siya about sa nalaman ko, dineny niya lang, hindi daw totoo. What should I do, DJ Chloe? Pinaparamdam naman niya sa’kin lahat ng pagmamahal and assurance na ako lang pero deep inside nagkakaroon po ako ng pagdududa kung ano ang totoo at hindi sa sinasabi niya.
Julie
Dear Julie,
Why would you be affected, Julie? ‘Di naman kamo kayo “official,” ‘di ba?
Maybe before reacting to anything try to find out mag-ano nga ba kayo? #CheckTheLabel
Kasi if hindi kayo official then you shouldn’t be affected by anything. Para lang sa akin, ‘yang mga hindi official na ‘yan, you are just giving yourself the permission to crash and burn dahil ikaw o ang babae ang luging-lugi sa ganitong setup. Sa lalaki, wala namang mawawala eh, pabor ‘yan sa kanila.
Sa babae, ano nga ba mawawala sa’yo? Maaring wala kung mababa ang tingin mo sa sarili mo at payag ka na “wala lang” ang relasyon na meron ka.
So before anything else, check the label. Maybe it’s time to make things official?


-
COMMENTS














