You Are Never An Option
X

CHLOE'S INBOX

You Are Never An Option

May 2, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---YOU-ARE-NEVER-AN-OPTION

    DJ Chloe, hi! Good pm! Just hide my identity. May ka-live in ako for 15 years, may anak kami na lalaki, 14 years old. April 4 umamin siya na nadevelop siya sa ibang babae, same girl na pinag-awayan namin last year, kala ko tapos na kasi nagpromise siya kami na lang ulit at wala ng sisingit pero hindi nangyari ‘yun. Last April 9 nagdecide siya at pumayag ako magkanya-kanya kami. Dun muna daw siya sa condo namin magstay para din daw mag-isip, so hinayaan ko, kahit masakit. Dumadalaw naman siya at nagbibigay ng sustento. Last Tuesday dito na natulog sa bahay then papasok sa office. Gabi siya dadating dito kasi pupunta pa sa condo. Kahapon nabasa niya sa inbox ko may ka-chat ako iba lalaki, nagalit siya.

    Eh bakit siya nagalit eh siya nga ito nagkarelasyon pa, iniwan ako, kaming mag-ina. Sabi ko lokohan lang ‘yan kasi na bore ako. Halos itulak ako sa ka-chat ko, at reaksyon niya galit, sabi ko lokohan lang ‘yan, sagot sa akin malalaman natin. DJ Chloe, naguguluhan ako, gusto ko hayaan pero ‘pag andito sa bahay ‘di ko mapigil hindi asikasuhin, kahit hindi na kami tulad ng dati na sweet, at nag a-i love you madalas. Ang tanga ko nga kasi last Wednesday ng madaling araw pumayag pa ko may mangyari sa amin.

    Hindi ko po alam gagawin ko. Mag-aantay? Aasa? Kahit mali. Ang hirap makalimot. Pag-aalis sya humahalik naman sa noo na nga lang. Ang alam ko lang nasasaktan ako, gusto ko siya bumalik dito pero pano? Pasensya ka na kung mahaba. Salamat po, wala ako mapaglabasan ng sama ng loob ko kase ‘wag daw namin sabihin sa lahat na ganito sitwasyon namin. Alam sa opis nila sa condo nga sya umuuwi, nag-iisip. Sa both family namin hindi pa pinaaalam kasi ‘pag nagbalikan daw kami. Basta magulo, DJ Chloe, gusto ko lang gumaan nararamdaman ko  Thank you po!

    Cathy

    Hi Cathy,

    Masyado namang segurista itong ex-live-in partner mo. Ayaw nyang malaman o ipaalam sa iba, para kung ‘di mag work out ‘yung relasyon niya sa isang girl or whoever na flavor of the month niya ngayon eh may fall back siya, you’re there!

    Would you like to be his fall back? Is 15 years worth fighting for?

    Ikaw lang ang makakasagot sa mga ‘yan.

    If the 15 years you’ve had with him is something you wouldn’t just want to throw away and for the sake of your child/children with him, then go ahead and wait. Wait for him to come to his senses and come back to you for good. Who knows when he is done and over with everything, eh pakasalan ka na rin sana.

    Pero kung pakakasalan ka niyan noon pa sana.

    It’s only you who can decide for yourself and put a stop to how bad he treats you.

    And you can do that by putting your feet down at tuldukan na ang pambabastos niya sa’yo.

    Why? ‘Di mo ba kayang mabuhay mag-isa? At wala siya?

    Who knows, life might be even better for you, when you’re not wrapped around someone’s finger.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.