Relationship Talks And Money Talks In Between
X

CHLOE'S INBOX

Relationship Talks And Money Talks In Between

May 3, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---RELATIONSHIP-TALKS-AND-MONEY-IN-BETWEEN

    Hi DJ Chloe, please hide my identity.

    Gusto ko lang po humingi ng advice, I have a live in partner for almost two years. Meron na kaming baby turning one year old this month.

    More than 11 years kami naging mag boyfriend / girlfriend bago kami nagdecide mag live in. Masaya naman kami dati, nagstart lang ‘yung problem nu’ng nagsama na kami. Doon na lumabas ‘yung mga ugali na dati ‘di ko nakita for 11 years. Two months pa lang kami nagsasama nu’ng nabuntis ako. Alam ko may pagkakuripot siya pero ‘di ko akalain na sobra po pala. ‘Yung tipong buntis ka nagugutom ka bibili ka ng pagkain syempre. Aminin ko minsan kakabili ko ng pagkain dati nauubos ung budget ko. Ang lagi ko naririnig sa kanya, “kain ka kasi ng kain, ‘di ka magbaon,” sumasama loob ko noon lagi ko sinasabi sa kanya “malamang buntis ako kakain kaming dalawa.” Lagi kami nagtatalo pagdating sa pera. Then after ko manganak, lumipat kami sa bahay nila, kasama mga biyanan at kapatid niya. Wala akong problema sa biyanan ko, maalaga. Daig pa nga nanay ko kung mag-alaga sa’kin. Ang problema ko lang talaga ‘yung live in partner ko.

    Lagi siyang ma-issue sa pera. Lagi niyang sinasabi wala siyang pera kahit alam ko namang meron. ‘Pag pera niya sa kanya lang ni piso ‘di na ako nanghihingi sa kanya dahil meron naman akong work, may sahod din ako, ang mahirap lang po kasi pag gastusan na laging ako ang nakatoka. Mag go-grocery kami sa bahay nila ako magbabayad lahat. Ni minsan ‘di ko narinig na “ako na magbabayad” napapagod na po kasi ako na laging issue ‘yung money samin. Minamalas! ‘Yun ‘yung tingin ko pag money involve na talaga.

    Last time, sinabihan ko na siya na ‘wag siyang ganun pagdating sa pera dahil lahat ng tao sa paligid niya mawawala sa kanya, sagot niya lang “e di mawala, di ko sila kailangan.” Ultimo piso kailangan ata ilista. ‘Pag magbibigay siya nakasumbat. Nakakapagod na po makipagtalo sa kanya.

    Ano po ba magandang gawin? Last December, nakikipaghiwalay na ako dahil sa same na issue. Pero ayaw niya. Minsan feeling ko daig ko pa single mother sa sitwasyon namin. Ni hindi rin naman niya maalagaan ‘yung anak namin. Lagi din siya nakadepende sa nanay niya. Lahat ng desisiyon niya tatanong pa niya sa nanay niya. Gusto ko sanang bumukod kami para matuto naman kami kaso ayaw niya kesyo wala daw mag-aalaga sa bata ayaw din nya kumuha ng yaya. Ang tingin ko kasi ayaw niya humiwalay sa saya ng nanay niya. Pano kami matututo kung lagi syang dedepende sa nanay niya?

    Naguguluhan na po kasi ako. Gusto ko na umuwi na lang sa’min, sa mga magulang ko, nag-iisang anak lang ako. Kaya sana kung ayaw niya bumukod sa bahay na lang para may kasama naman magulang ko. Kaso ayaw niya din.

    Please hide my identity. Thanks and more power. Sorry if sobrang haba.

    Precy

    Hi, Precy!

    Ayaw niya? Ang dami kong nabasang ayaw niya. Ikaw, ano ba gusto mo? Ano bang ayaw mo?

    ‘Yang pagiging kuripot okay naman sana ‘yan but it seems may pagka miser itong ka live in mo. Siya nga pala, ka-live in mo pa lang naman pala eh. Congrats!!! Malayang-malaya kang makakapag walk out, pwedeng-pwede! Gusto mo pa bang pakasalan ang ganyan?

    Personally, ayoko sa lalaking kuripot. ‘Yung nuknukan ng kuripot, lalo na ‘yang ganyan. Ikaw pa pala guamagastos at ang pera niya eh kanya lang? Buhay binata?

    Sorry, Precy. Wala sa personalidad ko ang magsasabi sa’yong magtiis ka.

    Kung asawa mo na ‘yan, kasal na kayo, then exhaust all efforts to make things work. But since you have an option, you have a choice to leave. Ilalatag ko red carpet para sa’yo.

    Umuwi ka muna sa mga magulang mo, at magisip-isip ka. Hindi na basta-basta mababago ang ugali n’yan. Naugatan na ‘yan. Tutal eh para ka na rin lang single mother sabi mo, try mo buhayin mag-isa anak mo, seems ikaw lang din naman bumubuhay d’yan sa sitwasyon niyo eh. ‘Wag mo nang antayin maging dalawa pa ‘yan, hoping it will make him change! It won’t happen.

    I know of someone who died, ‘di naman natin alam kailan tayo mawawala dito sa mundo eh. Nang namatay itong kilala ko, ang daming tagong perang nakita sa cabinet niya at bago siya namatay talagang inaantay niya retirement money ng asawa niy. na hindi niya na inabutan dahil nauna siyang nagretire for good.  She was known to be a super miser.

    What am saying is money is supposed to be spent and enjoyed. Yes, we need to save but we also need to enjoy our money if we are earning. Kailangan balance. Mamatay ka bukas, ‘di mo man lang naenjoy ang pinaghirapan mo?

    Isa pa, siya ang padre de pamilya. Actually, dapat part of his earnings, if not all, should be given to you. I-iintrega niya sa’yo. Tsaka ano ba ‘yan? Ultimong pagkain ipagdadamot? Napakasamang ugali ang ganyan. Ang pagkain hindi ipinagdadamot lalo na sa BUNTIS!

    I am not rich but I try my best na kung ano ang natitikman kong masasarap na pagkain, matikman din ng mga anak ko, ng pamilya ko, my parents, siblings. Of all the things, pagkain ang hindi dapat ipinagdadamot or itinatago! Kaka-high blood siya kamo ha!

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.