Prayer Is The Answer
X

CHLOE'S INBOX

Prayer Is The Answer

May 19, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---PRAYER-IS-THE-ANSWER

    Hi please hide my identity I just want to share my love story.

    I met this guy almost two years ago, isang lalaking hindi gwapo tapos lasenggo. Same company kami sa isang trucking company, driver siya secretary ako. At first, wala, ayoko sa kanya bukod sa hindi naman siya gwapo, lasenggo pa. Noong nireto nila ako sa kanya sabi ko never over my gorgeous, beautiful body kahit hindi naman tlaga. To make the story short, nainlove ako sa kanya kasi kahit ganun siya, mabait siya, as in super bait kaya nga mahal na mahal ko siya. Binago niya sarili niya para sa akin. ‘Yung dating lasenggo nagbago at masaya ako sa pagbabago niya. Pero may problema, hindi ako pwedeng makipagrelasyon ng hindi ko same religion. Kaya patago ‘yung relasyon namin. Mahal na mahal ko siya. Ilang beses ko siya hiniwalayan pero nagbabalikan pa rin kami. Hanggang sa kumuha siya ng apartment, pumupunta ako dun. Nasa age na sana kami. 33 siya, 28 ako kaya lang hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa family ko, mga kakilala na ka-religion na ma- aasawa na ako para legal na kami. Ayoko iwan religion ko pero ayoko din siya iwanan. Sana dumating ‘yung time na hindi na ako mamimili kasi parehas ko sila mahal.

    Just want to share, DJ Chloe.

    Minnette

    Hi Minnette,

    What is your religion ba? And him? Do you have the same God?

    Bakit ‘di ka magshare sa kanya? Mag-evangelize sa kanya?

    Mahirap for me to tell you what to do kasi I, myself , I don’t know ano religion mo. And seriously, problema talaga ‘yan lalo ‘pag nagka-anak na kayo.  Una, saan magpapakasal? Pangalawa, saan magsisismba? Saan papabinyagan mga anak? Those things you have to consider.

    And it’s hard to be with a man na iba ang spiritual outlook.

    Pero sabi nila mas madali daw magshare ng good news, ng about kay Jesus ‘pag walang bisyo ang lalaki.

    Sabi nila ha…

    Mahirap din kung magawa mong pasamahin sa religion mo ‘yan. Kasi ‘di mo alam kung sumasama lang dahil sa’yo at ‘di dahil sa Panginoon. Ikaw lang ang tinanggap, not your faith.

    You know what to do, right? Pray about this. If this is for you and if not ask God to let it slip from your life without much struggle on your part.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.