Never Assume Unless Stated
X

CHLOE'S INBOX

Never Assume Unless Stated

May 25, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---NEVER-ASSUME-UNLESS-STATED-

    Hi, DJ Chloe! I would like to seek for your advice. I am a young professional, 27 years old to be exact. I am an NBSB. Yes, minsan natanong ko sa sarili ko kung pangit ba ako (physically and personality) kaya ganun. May mga nanliligaw, unfortunately. Kapag time na nagugustuhan ko na sila, bigla ko na lang nalalaman na may girlfriend na sila. Until my officemate introduced me to a relative. Isa siyang OFW at hinahanapan na ng mapapangasawa kasi he’s 32 years old and ready to settle down. At first, I was hesitant kasi I’m not fond of LDR at he’s good looking. Kaya alangan ako. Kaso mapilit at sobrang bait naman ng relatives niya sa akin kaya pumayag na ako. He came to the office to see me and formally introduced to me. ‘Yung parents niya and other relatives na ka-officemate ko were there too. Yes, halos lahat sila gusto ako para sa kaniya. Until we got close. Got know each other. Kaso nung nabi-build ‘yung closeness namin bigla na siyang kailangang bumalik sa Middle East for his work. Constant communication namin, I am informed of everything he does. Madalas siyang nagsesend ng photos at updated ako sa lahat ng nangyayari sa kaniya. We managed to have time for each regardless of the time zone and our busy schedules. Nagsabi na rin siya na kung may ide-date ako dapat informed siya or magpaalam ako. Honestly, gustong-gusto ko na siya. Until nu’ng time na dumating na sobrang serious na ‘yung talks namin bigla niyang pinutol ‘yung communication namin. Nagulat ako bigla nu’ng nagpost siya ng photos na may kasama siyang babae. Every rest day niya sila magkasama. Hindi na siya nagparamdam. Until umuwi siya sa Pinas ng wala akong kamalay-malay. Ayaw niya ipagsabi. Talagang iniiwasan niya ako. Hanggang nagparamdam siya ulit pero aloof na ako sa kaniya. Masakit DJ Chloe kasi iniiwasan ko siya tsaka siya nagpaparamdam. The saddest part there are so many things that reminds me of him. I really want to get rid of him out of my life. Pero andiyan siya. His relatives and friends na umaasa na magiging kami. Paano ang gagawin ko kahit na gustong-gusto ko nang mag-move on nandiyan naman siya iniignore mo na pero paramdam pa rin ng paramdam. Masakit, DJ Chloe, kasi pakiramdam ko ginagawa niya lang akong past time. Alam mo ‘yung feeling na “nagmu-move on pero ‘di naman kayo.” Please help me. Kasi iniiwasan ko siya, nagpaparamdam siya ‘di ko na pinapansin pero still I have strong feelings for him. I hope you could help me.

    Ms. Nobody

    Hi Ms. Nobody,

    Paasa, spotted!

    Well, common na ang ganitong kwento.

    And, seriously, I don’t know what goes on into their heads, ano iniisip ng mga lalaking pa-fall.

    Malinaw sa kwento mo na nirereto siya sa’yo.

    But then, baka pinagbigyan niya lang din ang kakulitan ng mga relatives niya na makahanap sya ng girlfriend, he is 32 and according to them, ready to settle down?
    Baka yan lang akala nila but it seems to be he is taking his time.

    Alam mo ‘yan ang advantage ng mga lalaki, kahit at 60 , makakakuha yan ng 20, lalo’t may pera at stable.

    Simple lang ang solusyon, wag mahihiyang mag tanong.

    Kung nahihiya, eh ‘di hayaan mo siya, in the first place siya ang lalaki, alangan namang ikaw ang magpropose o magtapat sa kanya?

    Sabi ko nga ng paulit-ulit, ‘di ba? “If a man loves you, you will know, if not you will be confused.”

    So alam mo na?

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.