The Guy Your Mom Told You To Get Rid Of
X

CHLOE'S INBOX

The Guy Your Mom Told You To Get Rid Of

May 30, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---THE-MAN-YOUR-MOM-TOLD-YOU-TO-GET-RID-OF

    DJ Chloe,

    First time ko pong magsend ng letter sa inyo sana po mabigyan niyo ako ng advice. Na-inlove po ako sa katrabaho ko. Dalawang taon ko pong tinago ‘yun kahit mga kaibigan ko ‘di nila alam at lalong siya ‘di niya alam. Committed po ung katrabaho at next year po ikakasal na sila. So ‘yung pagkainlove ko sa kanya parang walang pag-asa. Sa’kin okay lang kasi iniisip ko talaga na ‘di pwede dahil ikakasala na siya. One day, ‘yung isa naming ktrabaho na babae nilandi siya. Ayun, nagbgo ang lahat sa madaling salita. Naghiwalay sila ng soon-to-be wife niya at napunta siya dun sa katrabho naming babae. Sa ngayon, sila nu’ng katrabaho naming babae. Question ko po, bakit ganun? Ako na matagal ng kakilala at matagal ng may gusto sa kanya ‘di siya napunta sa’kin bakit dun sa ktrabaho namin na bago lang niya nakilala? Gustong-gusto ko po siyang agawin dun sa babe. Ganun din naman pala ang mangyayari na maghihiwalay sila ng soon-to-be wife niya. Bakit ‘di pa sa’kin napunta? Ang sakit lang, DJ Chloe, na makita silang magkasama. Sa ngayon po, casual na lang kami nu’ng lalaki mag-usap wala ng kulitan dahil nagseselos daw sa’kin ‘yung babae.

    Salamat po,

    Aira

    Hi Aira!

    ‘Di ba dapat nagpapasalamat ka at nalaman moang tunay na kulay ng lalaking gusto mo? Na kaladkarin pala siya, na madali siyang matukso? Imagine, ikakasal na siya and yet naagaw pa ng iba–nilandi lang? Pumatol naman! So doesn’t it make an impression na landiin lang siya ng iba eh papatol din siya agad?

    Pano na lang kung ikaw ‘yung dapat na pakasalan? Nilandi lang ng iba ‘di na matutuloy kasal niyo, ‘di ba?

    Well, kung landian lang ang peg mo, landiin mo rin para makuha mo, para ‘di ka nanghihinayang.

    Pero kung totoo ang hanap mo, ‘wag kang papatol sa lalaking kayang landiin ng lahat. Marmaing malandi, ‘di sila mauubos. Pero ang lalaking matapat at matatag at ‘di magpapalandi sa lahat, bigay ng Diyos.

    ‘Yun ang GOALS. :)

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.