We're Complicating Life By The Beliefs We Create
X

CHLOE'S INBOX

We’re Complicating Life By The Beliefs We Create

June 1, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WE'RE-COMPLICATING-LIFE-WITH-THE-THINGS-WE-CREATE

    Hi DJ Chloe,

    Kamusta po at ang programa mo? Sana po itago niyo na lang po ang true identity ko if ever po mabasa at mapost niyo po itong shinare ko about my love life. I’m a single mother po,31 years young at may isang anak. Last year po may ipinakilala sa’kin ang friend ko na friend niya din, isang surgeon sa Italy, 45 years old at Pinoy din dun na siya nkatira kasama ang parents at some siblings niya. Pero may mga kapatid siya dito sa Pinas na puro na may asawa kaya minsan na lang siya umuuwi dito sa’tin nga. Last year ng pag-uwi niya pinakilala siya sakin ng friend ko. Naghahanap daw ng mapapangasawa at ako ang ipinakilala ng friend ko sa kanya. Dumadalaw siya sa amin. Pinagpapaalam niya ako sa parents ko. Sa tuwing magde-date kami masaya naman kami pareho na parang ang tagal na naming magkakilala. Parehong magaan ang loob namin sa isa’t isa.Tinanong ko siya ulit kung talagang binata ba talaga siya, walang sabit ang sagot niya naman 100% single siya kasi wala daw siya time dahil sa work niya. So naniwala naman ako. Pinakilala niya ako sa kapatid niya, sa asawa ng kapatid niya, at mga pamangkin niya at ‘yung araw din ‘yun sabi niya sa’kin, “pwede ba akin ka na lang?” Sabi ko, “bakit?” Bigla niya na lang akong hinalikan at nagulat ako at nu’ng araw ding ‘yun may nangyari sa’min at ni isang word wala akong nasabi sa kanya kahit pa marami akong gustong itanong sa kanya pero parang walang lumalabas na boses sa bibig ko. Hanggang sa hinatid na niya ako sa bahay. Araw-araw naman siya pumupunta sa bahay, nag-uusap kami after nu’ng may mangyari sa’min pero hindi ko pa rin maitanong sa kanya kung ano kami kasi nahihiya akong magtanong. I can feel it naman na mahalaga ako sa kanya, hanggang one day text ako ng text sa kanya pero wala akong reply na natanggap galing sa kanya. Around 4pm nagtext siya emergency daw tinawagan siya ng staff niya na kailangan niyang umuwi ng Italy kasi may patient siya, urgent kaya hindi na daw niya nagawang magpaalam sa akin. At 8pm tumawag siya sa’kin at nagthank you siya dahil nakilala niya ako at sabi niya he felt bad kasi hindi siya nagpaalam sa’kin. Continues pa rin communication namin kahit nasa Italy na siya. Everyday kami nagte-text and every three days tumatawag siya sa’kin, exchanged sweet messages pero walang “I love you” palagi lang “I miss you.” Kaya ‘yan palagi tanong ko sa isip ko kung ano ba talaga kami kahit sa text gusto ko itanong sa kanya pero nahihiya ako. Until one day that was Valentine’s day, he sent me a package with a heart box chocolate inside and some stuff. And he sent a message to me saying “I love you, my life!” Sobrang saya ko nu’ng araw na ‘yun and sent him back “I love you more my life.” Parang nasagot na ang matagal ko ng tanong sa isip ko, one day try ko search name niya sa Facebook. Hindi ko naman kasi siya tinanong kung may Facebook siya. Nasearch ko nga pero hindi sa real name niya. Dun ko nakita na may picture siya dun nakaakbay siya sa girl with two kids. Parang dumilim ‘yung paningin ko kasi totoo ngang may pamilya na siya at nagsinungaling siya sa’kin. Gusto ko siyang tanungin about sa nakita ko na picture pero hndi ko kaya Natatakot ako sa isasagot nya sa’kin at sobrang nahulog na loob ko sa kanya. Until now everyday pa rin communication namin pero may times na two days hindi siya nagme-mesage sa’kin sabi niya busy at pagod siya sa work even his schedule sa work niya sinasabi niya sa’kin how many patients ang sinurgery niya, may pinapatayo siyang business dito sa Pinas at sabi niya sa’kin ako daw magmanage. Sabi niya just deal with the business. Sabi ko, “okay, pag-iisipan ko.” Masakit sa’kin na niloko niya lang ako pero every time na nagte-text siya o tumatawag gusto ko siya tanungin pero sa isip ko gusto ko personal ko siyang tanungin at handa naman na ako sa maaari niyang isagot sa’kin. Ang gusto ko lang malaman ang totoo at hindi ako aasa sa wala. Mabait naman po kasi siyang tao, humble, at down to earth kaya na-inlove na ako ng husto sa kanya sa kabila ng nalaman ko about sa kanya. Sa June uwi siya dito kasi tapos na ‘yung business na pinapagawa niya. At marami na din siyang plano na gawin namin pagdating niya. DJ Chloe, help me naman. Ano dapat kong gawin about sa nalaman ko sa kanya, sa picture na nakita ko. ini-screen shot ko pa nga kasi balak ko ipakita sa kanya at itanong kung anoito? Totoo ba ito? Bakit ka nagsinungaling? Bakti mo ako niloko? Bakit mo ako pinaniwala? Gusto ko marinig ang sasabihin niya at makita kung ano ang emosyon niya. Kasi mas mabuti pang malaman ang mapait na katotohanan kaysa matamis na kasinungalingan. Please, give me an advice, DJ Chloe, kung tama ba itong gagawin ko o ano ba dapat gagawin ko para hindi na ako umasa pa sa kanya. Thank you and more power.

    Hopeless Girl

     

    Hi, girl.

    ‘Di kaya over acting ka lang? Kasi baka nga naman single na siya ngayon, dahil divorced na siya or hiwalay sa asawa niya. Nagkataon lang may mga anak sila. It could be that what you saw, is an old pic. Or maybe pamangkin ‘yun at relative niya ang nanay or kapatid?

    It was a friend of yours who introduced this guy to you.. so ask your friend bat ka niya bibigyan ng may sabit… kung may sabit nga.

    It’s really up to you if gusto mo pa ng personal na komprontahin siya when in fact para matapos na ang paghihirap at paghihinala mo eh pwede mo ng itanong ngayon.

    Would it change anything kung personal niyang sasabihin or aaminin sa’yo? Anong plano mo? Madamdaming pag tatanong at may kasamang sampalan kung totoo nga?

    Life is simple, if you want to know something , ask.

    Pero alam mo, kung hindi ka niya “nakuha” agad, malamang hindi ganyan ang reaksyon mo ng nakita mo ang pictures na sinasabi mo.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.