Be There For Your Kids
X

CHLOE'S INBOX

Be There For Your Kids

June 5, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---BE-THERE-FOR-YOUR-KIDS

    Please hide my identity, you can call me Khun Kru.

    I have 11 years live-in partner at may tatlo kaming anak. Nagsama po kami dati ng pareho na undergrad ng college. Kaya nagpasya ako na mag-aral ulit para makatapos. Kaya lang nakisabay din siya mag-aral kahit alam niya na mahirap para sa amin na dalawa kaming mag-aaral tapos dalawa pa lang anak namin noong time na ‘yun. Pero sinang-ayunan ko siya para wala siya masabi sa akin. But nung time na nahihirapan na kami maraming masasakit na salita palagi ang naririnig ko. Masyadong masakit sa loob ko na ginagawa ko naman ang lahat ng paraan para makaraos kami sa araw-araw. Medyo kulang kinikita ko sa pagpasada ng tricycle sa gabi dahil maliit lang ang bayan namin sa province. At sa umaga pumapasok pa ako sa school. Hatid sundo ko pa ang anak ko sa school nila. Hanggang sa dumating na ‘yung time na gusto ko na sumuko dahil hindi na kaya ng katawan ko dahil palaging walang tulog at marami pa akong masasakit na salita na naririnig sa kanya. Huminto ako sa pag-aaral at para makagraduate siya at wala masabi, all out support po ako sa kanya noon. Nu’ng nakatapos na siya ng pag-aaral sabi ko itutuloy ko ang pag-aaral ko. Pumayag naman siya kaso nakiusap ako sa kanya na tulungan din ako kaya lang ‘di niya ako tinulungan sa pag-aaral ko. May work na po siya noon, head siya ng isang department sa school na pinag-aralan niya.

    Masama ang loob ko sa kanya noon dahil ‘di niya ako tinulungan. Pero ginawa ko itong inspirasyon at challenge sa sarili ko para makatapos. Dumating na kami sa time na halos tatlong buwan kaming hindi nag-iimikan sa loob at labas ng bahay. Hanggang sa nanlamig na ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Siguro, dahil na rin sa sama ng loob ko at nu’ng nakatapos na ako ng pag-aaral nagdecide ako na pumunta ng ibang bansa para magturo. Teacher na po ako dito. Hanggang sa ngayon pinahiya na rin niya ako sa social media na hindi naman totoo. Pero hinayaan ko na lang. Tinanggalan na rin nyia ako ng communication sa mga anak ko. Mahirap ang naging sitwasyon ko nu’ng una dito sa abroad pero ang sagot niya, wala siya pakialam basta magpadala ako.

    Kaya kahit konti nagpapadala ako kasi halos wala natitira sa sahod ko. Nu’ng February nkipaghiwalay na ako sa kanya at pinasubaybayan ko mga galaw niya. Ngayon po may lalaki na siya at inilayo na niya sa akin ang mga anak ko. Sa wakas nakahinga na rin po ako kasi nailabas ko na ‘yung kinikimkim ko na sakit. Wala po ako mapagsabihan eh. Ano po ba ang kailangan kong gawin para sa mga anak ko. Sana po ay mabasa ninyo ang kwento ko. Thank you.

    Hi po!

    Since naikwento mo na rin naman and it made you feel better, then I’ll leave it at that. Besides, sabi mo nga nakahinga ka na rin.

    Now your question is, ano ang kailangan mong gawin para sa mga anak mo?

    Simple, magpaka AMA ka pa rin.

    Support them, and do your best to find ways to communicate with them, kayo lang ng asawa mo na nanay nila ang may problema. Hindi sila dapat madamay. Pero madadamay pa rin sila sa ayaw at sa gusto niyo.

    Your kids are with the mother, so daanin mo sa mahinahon at diplomasya ang pakikitungo sa kanya para sa mga anak mo. You have to make her understand na ikaw pa rin ang ama, at hindi mo tinatalikuran ‘yun.

    Set up a savings account for the kids. Continue supporting, ask for receipts or proofs na nag-aaral nga sila at napapakinabangan ang binibigay mo. Paano? Ikaw na mag-isip.

    Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.