You Have To Learn Your Lesson
X

CHLOE'S INBOX

You Have To Learn Your Lesson

June 7, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---YOU-HAVE-TO-LEARN-YOUR-LESSON

    Hi DJ Chloe,

    How are you? Fan / listener here po. Please keep my identity in private po sana. Gusto lang din pong humingi ng payo at ito po story of my life…
    I am a mom of two boys and I am married na po. On our two years in marriage po isa pa lang baby namin. Nu’ng nagsama na kami sa bahay at dun po palagi na po kaming nag-aaway sa maliit at mas lumalaki habang kami ay nagtatalo. Sabi nga nila you’ll never know real attitude of a person pag di pa kayo nagssma sa iisang bahay. Madalas kmi magtalo sa gawaing bahay at attitude niya at sa paninigarilyo niya din. All of this nawalan na din ako ng love para sa knya minsan may isa kami pagtatalo nasa ko knya di ko na knya ugali niya makikipaghiwalay na ‘ko at sabi niya ganun din siya sa’kin. Parang pinagsisihan ko bakit pa ako nagpakasal sa kanya. Sa totoo lang po napilitan lang ako magpakasal dahil nabuntis na niya ako at bawal sa family ko na ‘di ako ikasal. Kaya kahit pa parang ayoko ko pang ikasal sa kanya kasi parang ‘di ko pa makita sarili ko sa kanya eh nagpakasal na lang ako. At ngayon po nagkakagulo na kami wala na po akong magawa kundi pagsisihan ito araw-araw.

    DJ Chloe, sobrang depressed ako noon bigla kong napanaginipan ang ex ko na sobrang minahal ko so ni-research ko ang Facebook niya at tinext ko siya. Valentine’s Day pa ‘yun, ‘di naman ako umaasang magre-reply siya o ano pa, gusto ko lang siyang kamustahin kasi sa panaginip ko tinatawag niya ako. At nagreply siya, DJ Chloe, at simula dun sa text na ‘yun nagkikita na kami at lumalabas lalo pa malapit lang work niya samin sa office. Hanggang parang nagbalik lahat sa’min dati noong kami pa it has been 8 years ago. DJ Chloe, may girlfriend na siya at nasa abroad girlfriend niya, every two years balik, sakto naman nu’ng nagkikita at nag-uusap kami kaaalis lang girlfriend niya nun kaya prang ang laya-laya niya.
    DJ Chloe, paiksiin ko na ito ah, bali nagkaanak kami ni ex at nalaman na girlfriend at family niya about our baby pero parang siya, wala siyang plano for us. ‘Di ko alam ano gagawin ko kung malaman ng asawa ko na ‘di ‘yun sa kanya at kung malaman ng family ko. ‘Di ko alam saan kami dadamputin nito.

    This year mag two years na baby namin nagmessage siya sa messenger ko, ‘wag na daw ako magmessage sa kanya. Papakalayo na lang daw siya para walang gulo. ‘Di rin nman kami tanggap ng family niya at nagbalikan na sila ng girlfriend niya at pinakamasakit ay ikakasal na sila.
    DJ Chloe, please help me what to do. Anyways, balak ko na din makipaghiwalay sa asawa at mabuhay sama mga anak ko. Ano bang dapat kong simulan po para makaiwas sa ex-boyfriend ko at ‘di na niya kami guluhin sa paglipas ng panahon at maging maganda hiwalayan namin ng asawa ko?

    Salamat po, DJ Chloe. Pasensya sa magulong buhay ko po.Thanks. God bless po!

    Miss Private

    Miss Private,

    Oh, how we really love complicating our lives, noh?

    You were having problems with your husband, in your marriage and you tried to solve it by having another problem, by creating another problem.

    Kusa mong hinananap at ginawa ang problema mo kasi you looked for him on Facebook. You searched for him and when you found him, on a very Valentine’s day eh biglang nagkaroon ka ng surge ng iyong hormones, pheromones, and whatever. At nauwi sa pagtext sa kanya na humantong na sa pagkakaroon niyo ng anak.

    Kung nagsisisi ka sa pagpapakasal sa asawa mo, eh bakit ‘di ka na lang nakipaghiwalay?

    Anyways, sagutin ko na lang ang tanong mo:

    “DJ Chloe please help me what to do?”  Una, manalangin ka so that the Lord will enlighten you on what you should and must do. There is no way you’ll go wrong if you anchor yourself on God. Subukan mo nan ring ayusin ang buhok mo at buhay mo, isang desisyon lang ‘yan na malupit na titigil ka na sa ginagawa mo.

    “Anyways, balak ko na din makipaghiwalay sa asawa at mabuhay sama mga anak ko.” KUNG IKAKABUTI MO, go ahead do it.

    “Ano bang dapat kong simulan po para makaiwas sa ex-boyfriend ko at ‘di na niya kami guluhin sa paglipas ng panahon at maging maganda hiwalayan namin ng asawa ko?” HINDI MO SIYA KAILANGANG IWASAN KASI siya na ang kusang nagsasabi sa’yo na nagbalikan na sila ng girlfriend niya at magpapakalayo na siya. KAILANGAN mong tanggapin na hindi niya kayo (ikaw at ang anak niya sa’yo) concern. Alam niya na mabuntis ka man niya, MERON kang asawa, kaya abswelto siya. SO ANG KAILANGAN, IKAW ANG KUSANG UMIWAS, LUMIMOT SA KANYA, IKAW ANG DAPAT MAG BAGO.

    “Salamat po, DJ Chloe. Pasensya sa magulong buhay ko po.”  Okay lang quasi buhay mo naman ‘yan. Ikaw at ikaw lang ang makakaayos ng buhay mo kung gugustuhin mo.

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.