CHLOE'S INBOX
Real Relationships Get Through Hell
June 14, 2017
-


Hi DJ Chloe,
Faev na fave kitang DJ kasi ang cool mo mag-advice. Please hide my identity. True ba ang girl or wife instinct? Naghinala kasi ako na may babae siya. Pero wala akong proof. My husband and I are married for seven years, we have two kids. Minsan kasi may nagtext sa kanyang officemate niya. Ask kung kamusta siya then maya-maya nasundan ang text na “dito na ‘ko bahay may sakit kasi ang baby ko.” Nabasa ko ‘yun ang sabi ng asawa ko hindi rin niya alam bakit ganun magtext ang girl. ‘Di naman daw sila close kasi nagalit talga ako. Syempre first impression ko ang magalit talaga. Pinagresign ko siya sa work, DJ Chloe, sumunod naman siya. Minsan, DJ, nagpanggap ako sa asawa ko na ako ‘yun girl thru text para mahuli siya at first okay naman kesyo humingi ako ng sorry sabi ng asawa ko okay na daw ‘yun. Hanggang nagreply asawa ko if gusto daw ba ng girl makabawi punta daw sila sa motmot. Na-shock ako at nagdecide na makipaghiwalay sa kanya. Sinabi ko na nagsend ang girl ng conversation nila sa akin. Kahit talaga namang hinuhuli ko lang siya. Ang sakit, DJ. Ngayon we’re trying na maging okay kami para sa mga anak namin. Ask ko lng DJ if tama ba ginawa ko? Mahal ko asawa ko, DJ. Thank you and more power!
Paranoid Girl
So nabuking si Mister? Nagkamaling nagtext si special officemate at na-intercept mo? Magaling! Magaling! Magaling!
You know, there is no excuse, or nothing can justify what your husband did, which obviously is cheating. Kahit pa bored na siya sa marriage niyo or maybe he is having fun or whatever his reasons are ang mali ay mali.
At hindi rin naman tama ang ginawa mong pambubuking sa kanya, kasi masakit na malaman ang totoo eh, ‘di ba nga what you don’t know won’t hurt you.
Now that you know, nagboomerang sa’yo ginawa mo. Mahirap manubok, lalo’t hindi mo magugustuhan ang malalaman mo o madidiskubre mo.
I’m not sure if you should confront the girl, maybe you should and let her know that you know what they’re doing, show her the conversation you had with her when you were pretending na ikaw si husband. BUT be very ready sa mga maaari mong marinig. She can tell you na sabi ng asawa mo eh:
Gusto ka na nyang iwan kaya lang nagsasama na lang kayo para sa mga bata. ‘Yan ang pinaka common alibi ng mga lalaking medyo trying maging intelehente sa pagsisinungaling .
Marami pang iba na maari mong malaman.
Or you can choose to forgive your husband and give him an ultimatum, and make sure na gagawin mo nga ‘yun. Ang mga ‘yan ‘di ‘yan titigil hanggang ‘di mo tinuturuan ng leksyon.
If your husband isn’t scared of you a little it’s time to unleash the beast in you. It’s your marriage here that’s at stake.


-
COMMENTS














