Your Husband Must Be Your Number One Priority
X

CHLOE'S INBOX

Your Husband Must Be Your Number One Priority

June 19, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---YOUR-HUSBAND-MUST-BE-YOUR-NUMBER-ONE-PRIORITY

    Good day DJ Chloe,

    Isa ako sa mga listener ninyo. Please hide my identity (this is not my account). So ganito pa ang sitwasyon ko ngayon. Isa po akong sales agent, na-aassign sa iba’t ibang lugar. Iba’t-ibang tao ang nakakasalamuha ko. Ang asawa ko naman ay OFW. Kakakasal lang namin ngayong taon at wala pang isang buwan umalis na siya.

    Ngayon po gusto niyang i-give up ko ang trabaho ko. Inaamin ko naman po na workaholic ako. Kahit Sunday nagtatrabaho kung may mga event. Every weekends lang ako umuuwi sa bahay nila, then minsan parang natutulog lang ako, trabaho na naman. Mahal ko ‘yung trabaho ko dahil dito natutulungan ko ang magulang ko.

    Tinanong ko siya, what if magresign ako at ‘di makahanap ng trabaho. Sabi niya, “asawa kita ‘di kita pababayaan” pero ‘di ako kumbinsido sa ganun kasi paano naman ang pamilya ko? Ako lang inaasahan nila. Bakit ‘di niya ako maunawaan, pero ako kahit alam kong magtagal kaming ‘di magkikita pinayagan ko siya kasi alam kong dun siya masaya at dun niya mabi-build ang self-esteem niya. By the way, he has kids here sa Pilipinas. Sometimes I go with them, minsan hinihiram sila at inaalagaan. I always see to it na maging masaya sila. I don’t know bakit ayaw niya sa trabaho ko, nagwo-worry siya? E kung nagwo-worry siya bakit siya umalis? Ang masakit pa, ayaw niya akong kausapin dahil gawin ko na daw lahat ng gusto ko. Pero lahat naman inunawa ko sa kanya. Pero ganito pa? I’m so confused. Do I have to quit my job?

    Thanks in advance!

    Miss G

    Hi, Miss G!

    Masaya na mahirap ang trabaho ng sales but very fulfilling. You also dictate how much income ang gusto mo, based on the sales that you achieve, ‘di ba? If commission based ka at pag may event, lalong mas masaya. Like us, here, at the station, we also live on events. Kailangan ng sales ‘yan parati to sustain sales and awareness.

    I understand tumutulong ka sa magulang mo and that’s something you have to be open about sa husband mo.

    Tama naman siya, ‘di ka niya pababayaan pero kailangan klaruhin mo sa asawa mo that once you leave your job, your family will also get affected. And I do understand that part, na tumutulong ka, mabuti kang anak.

    Baka naman ang ibig sabihin lang ng husband mo is for you to find another job? Baka worried siya that you’re always out and working. Maybe gusto niya ‘yung less stressful job for you?

    Why not get the bottom of it all? Ask him, talk to him, and ask his reasons why he wants you to quit your job.

    And then also tell him in detail ano ang nagagawa ng trabaho mo para sa’yo.

    Kasi hindi lang kinikita mo ang mawawala sayo dito eh, this job of yours make you happy. And it’s seldom that you find a job that pays well and also makes you happy.

    Isang maayos na pag-uusap lang ‘yan, Miss G.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.