CHLOE'S INBOX
Maybe You’re The Real Problem
June 19, 2017
-


Hi DJ Chloe,
Isa akong avid fan. Ako si Rose, 30 years old, may dalawang anak at ang asawa ko ay isang OFW sa Kuwait. November 2013, umalis siya papuntang Kuwait para magtrabaho. Nu’ng una, okay naman ‘yung communication namin. Ilang months after niyang umalis okay pa. But then bandang June 2014 kinamusta ko siya sa isa naming friend dun which is katrabaho niya. Kinamusta ko siya kung okay siya doon, kung hindi nambabae, which is pabirong tanong sa kanya. And she replied, punta ka na lang dito para malaman mo ginagawa ng asawa mo. Bigla akong kinabahan sa sinagot niya sa’kin. And then after noon marami na ‘ko narinig na rumors about him na may ka affair siya doon. Katrabaho nila, hatid sundo pa daw ng asawa ko. And my mga pictures na sinend sa’kin ng ibang concern friend. Pinaamin ko siya kung ano namamagitan sa kanila nu’ng girl. And as usual todo deny sa’kin. Until July, Ramadan sa kanila noon at may party sa flat nila. Nalaman ko na nandoon pala ‘yung girl kasama nila at nag-iinom doon. I tried to call him many times but hindi niya sinasagot. Ayun, sa madaling salita may nangyayari na pla sa kanila noon. Nabuntis niya ‘yung girl and umuwi dito sa Pinas para manganak. Ang sakit sa’kin noon, DJ Chloe.
Umuwi siya dito pero hindi pa din kami okay. Nandoon pa ‘yung pain. Umuwi siya. Away-bati kami kasi sa babae niya. Sabi niya sa’kin hindi niya kokontakin ‘yung girl. Although alam ko may anak sila at naniwala naman ako sa kanya. Hanggang sa makabalik siya ng Kuwait. Ilang months nang makabalik siya akala ko magiging okay na ang lahat kasi nandito na sa Pinas ‘yung girl. Naging kampante ako na nagbago na siya at nagtiwala na ‘ko ulit sa kanya. Tas nalaman ko lang bigla na nandon na din pala ulit ‘yung girl. At eto pa, nagkaron pala sila ng communication nu’ng nandito pa sa Pinas ‘yung asawa ko at pinuntahan niya pala doon sa bahay nu’ng girl ‘yung anak niya para makita. Ang sakit sa’kin kasi akala ko okay na ang lahat. At tinago niya sa’kin na nagkita na sila ulit at nag-uusap. May convo pa nga sabi niya doon kay girl na, “‘wag kang magpo-post ng picture kasi malalaman ng asawa ko na nandito ka na ulit. Pinag-awayan namin ulit ‘yun. Ang hirap ibalik nu’ng tiwala, pakiramdam ko wala na siyang totoong sinasabi sa’kin, puro kasinungalingan na lang lahat. Hanggang sa pumayag na ‘ko makipagchat siya doon kay girl para sa anak nila kahit masakit sa’kin. Sige lang, basta buo pamilya ko magtitiis ako. Hanggang sa natapos na ‘yung isyu sa kanya. ‘Yung pangalawa nagkaron ulit siya ng affair sa kumare ko na nandon din sa Kuwait. Pumatol din sa kanya ‘yung kumare ko. Kahit na nandon ‘yung kumpare ko nakalusot pa din sila. Kumpare ko mismo nagsabi sa’kin ng totoo and ayun nasaktan na naman ako ng sobra. Sa daming beses ko na umiyak hindi ko na maalala kung gaano kadalas at katagal na ‘ko umiiyak. Gulong-gulo na isip ko kung pano gagawin. Sinasabi niya na nagbabago na siya pero hindi ko maramdaman. May mga times na nakikipaghiwalay na siya sa’kin kasi sobrang daming tanong at away ko sa kanya. Anong gagawin ko, DJ Chloe? Natatakot ako na paghiniwalayan ko siya baka tuluyan na siyang maging malaya sa kalokohan niya.
Rose
Hi Rose!
Kahit ‘di mo naman hiwalayan , malaya naman niyang nagagawa mga kalokohan niya, ‘di ba? So what’s new?
Hindi asawa mo may problema…IKAW.
Siya, given na siya na may sira sa ulo dahil nuknukan ng babaero, ultimong kumare patulan ba naman?
So wala ng nakakapagtaka sa kanya kung paulit-ulit niyan gawin ‘yan. Ikaw ang may problema dahil paulit-ulit kang pumapayag na lokohin ng lokohin!
Pinangakuan ka lang na di na uulit, nag tiwala ka na naman? Alam mo kung bakit paulit-ulit? Kasi patawad ka ng patawad.
For what? Para buo ang pamilya mo? Eh pero matagal na kayong wasak. Ikaw mismo wasak na wasak na pagkatao mo? Kelan mo bubuuhin ang sarili mo? Bakit, Rose? Ang isang ina ba ang mag-isang tinataguyod ang mga anak niya, hindi ba sila isang pamilya?
You know at the end of the day, you ask yourself, siya ba ang problema o IKAW?
2017 na, uso pa naman ang magtiis, pero uso na rin ang mahalin ang sarili, ang ‘wag hayaang lokohin ng paulit-ulit, try mo.
Hindi porke’t patawad ka ng patawad eh ikaw ang magaling at mabait at mabuti. Matuto kang magalit, dear. Matuto kang lumaban at manindigan. Learn to never tolerate any form of disrespect.


-
COMMENTS














