What Comes Around Goes Around
X

CHLOE'S INBOX

What Comes Around Goes Around

June 22, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHAT-COMES-AROUND-GOES-AROUND

    Good day, DJ Chloe!

    I need your advice, this is all about my boyfriend. We are grade school classmates. Crush niya ako and crush ko din siya dati. Naging kami before but not that serious kasi mga bata pa kami noon. I didn’t know seryoso pala siya sa akin until nagkahiwalay na kami. For so many years nagtagpo kami ulit sa Facebook, working abroad na siya and I’m here in Manila. One day nagmessage siya sa akin, nangamusta lang. At doon na nagstart na tumatawag na din siya sa akin every day. Nagsabi siya na until now ako pa din ang mahal niya. At first, hindi ako naniwala dahil sa tagal ng panahon na lumipas. Pero sa effort niya naniwala na din ako. Unti-unti na fall na din ako ulit sa kanya. Masaya ako kahit na LDR o “Long Distance Relationship” ito. But the problem is meron na siyang family dito sa Pilipinas. Pero alam ko naman ang tungkol dun. Hindi pa sila legally married ng partner niya. I asked him about them, sabi lang niya, ako daw ang gusto nya pakasalan, pero hindi nya papabayaan ang mga anak niya at nakikita ko naman na totoo ang sinasabi niya. Ang worry ko lang po kahit hindi sila kasal, pwede akong makasira ng pamilya. Kabit pa din ba akong matuturing? I know we’re just being true to our feelings, pero mali pa din po ba kung ituloy ko pa ang relationship ko sa kanya? Mahal ko na po sya pero natatakot naman po ako na balikan ako ng karma sa ginawa ko sa kanila. Please, I need your opinion.

    Kindly hide my identity. Thanks, DJ Chloe! More power to you and to your show.

    God bless,

    Miss K

    Miss K!

    Why not try to find someone na walang sabit at wala kang masasagasaan?

    Sabi mo nga partner niya, ‘di ba? Partner, so they have a relationship, that you have to respect and they have kids.

    Ang pinanghahawakan mo lang naman salita niya, mga sinasabi niya, na napakadaling gawin o sabihin. Dahil sa lahat ang pinakamadaling gawin, ang mangako.

    Mangako na ikaw lang, mangako na wala ng iba. Tapos nangako na babayaran ka within two weeks, yun pala 90 days. :)

    Yes, you are just both being true to your feelings, but you also have to be TRUE TO YOUR SENSES AND TO YOURSELVES DAY! May pamilya na si boyfriend.

    May pamilya siya ngayon, ask him to leave his family for you and marry you. Kung kaya niyang gawin, totoo siya sa’yo, pero kung puro dada na papakasalan ka, mag -sip ka. Kung ‘yung partner nga na inanakan lang at hindi pinakasalan eh nagagawa niyang lokohin na kasabwat ka, ikaw pa kaya? Ano ba pinag-kaiba mo? ‘Pag naanakan ka na din ang labas mo tulad ng  “partner” niya, partner lang niya, dalawa na kayo.

    Sana nga totoo siya sa’yo, at least naniniwala ka sa karma.

    What goes around comes around. It may take some time but karma doesn’t have a deadline.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.