Forgiveness Will Give You Freedom
X

CHLOE'S INBOX

Forgiveness Will Give You Freedom

July 3, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---FORGIVENESS-WILL-GIVE-YOU-FREEDOM

    Hi, DJ Chloe,

    I badly need an advice. I’m very much confused of my feelings, hope you can give me an advice. Hope I can read my letter on your page, malaking tulong po sa akin mabasa ang mga advice niya.

    Ang mother ko po ay hindi malambing na tao, natatandaan ko po bata pa lang ako, ‘pag sinusubukan ko na maglambing o lumapit sa kanya lagi niyang akong nire-reject. Sinasabi niya “‘wag ka ngang makulit, umalis ka nga dyan”, kaya lumaki ako na hindi ganoon kalapit sa kanya. Madalas pa pinapalo niya ako, kinukurot at kung minsan naranasan ko na din matulog sa kwarto na madilim iwan niya ako dun hangga’t ‘di ako tumitigil sa pag-iyak at makatulog na ko sa kakaiyak. Lahat ‘yun tumanim sa puso ko, bakit? Wala naman akong ginagawang masama, kung may nagawa man ako simpleng kasalanan lang naman katulad ng mga pangkaraniwang bata. ‘Yung pagiging makulit, magulo, ganun lang naman. Kaya later on siguro ‘yun ang nagpatapang sa’kin, tumanim siya talga sa puso ko hanggang ngyon dala ko siya at hindi mabura ‘yung sakit, kaya kahit sabihin napatawad ko na siya nandyan pa rin bumablik at bumalik ‘yung galit, minsan ako na nagtatanong sa sarili ko bakit ‘di ko siya mapatawad ng lubusan, kahit gustuhin ko.

    Nu’ng lumalaki ako sinusubukan ko naman maging malapit sa kanya, pero wala rin talaga sa katangian ng mother ko ang pagiging malambing kaya, hindi rin nagw-work kahit magreachout ako sa kanya. Always pa rin akong nare-reject, pakiramdam ko lagi pa rin ako ang masamang anak niya. May favoritism po kasi siya. Sa tatlo namin, isa lang ang laging mabuti sa paningin niya, ‘yung isa hindi rin po malapit sa kanya parehas ko. Kaya minsan nagiging cause po ng samaan ng loob sa magkakapatid. Close naman po kaming magkakapatid kaso minsan nagkakawatak-watak din kami dahil sa ganyang sistema ng nanay namin. Lalo na wala na po kaming tatay, puro babae pa naman po kami.

    Kelan man parang ‘di ko po siya nakitang natuwa sa success naming dalawa nu’ng isa kong kapatid. Kaya lalong nagpapadagdag ng mga sama ng loob ko sa kanya, na kahit gusto kong burahin sa puso ko at isipin na nanay ko pa rin siya nandito na po talaga, nakatanim, kaya lately ako na din ung lumalayo kasi pag nagkakaharap lang kami nagkakasagutan lang kami.

    Mahal ko naman po siya bilang magulang pero ewan ko po bakit ‘di mawala ‘yung feeling na mapatawad ko siya 100%. Naguguluhan din ako, alam kong mali dahil magulang ko pa rin siya. Ano po kayang dapat kong gawin? Ang hirap po ng may dinadala. Gusto kong magpatawad na, ‘di ko maibigay ang buong pagpapatawad sa puso ko. Bumabalik at bumabalik lahat simula pagkabata ko, nandito sa puso ko ‘yung sakit. Kaya ‘pag may nakikita nga akong bata na sinasaktan ng magulang naiiyak ako kasi mas lalo kong nararamdaman ‘yung sakit.

    Hi, Miss J!

    I know what you mean. May mga nakikita rin akong ganyang mga magulang na kung saktan ang mga anak nila parang walang nakakakita.

    I don’t know why you’re mom is like that. Did you at least try to find out pano siyang lumaki? At paano siyang pinalaki?

    Noon kasi, hindi masyadong showy ang mga magulang sa mga anak. Para bang stiff. Unlike ngayon, ako hindi ako lumaki na nagsasabi ng “I love you” sa parents ko. Kaya whenever I text them out of the blue that I love them natataranta ang tatay ko. He would call and ask if I have a problem. :)

    Ang mga anak ko pinalaki ko na we always tell each other that we love each other. We end our conversations with “I love you” sa phone.

    Try to find out bakit ganyan mommy mo. My mom didn’t grow up with a mother, she was four years old when her mom died. So nu’ng lumaki na ako naintindihan ko why mom was the way she was. J

    Iba ang generation nila, iba ang sa atin.

    Forgive her and accept an apology  even if you never got it.

    And ask God to take away all the hatred. All the hinanakit and give you a deeper sense of understanding and lovefor you to be able to let go of the resentment. Only God can do that for you, if you allow Him.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.