CHLOE'S INBOX
Promise Me No Promises
July 5, 2017
-


Good day!
Second time ko na po ito sumulat, my first issue was different with this one. Last week nalaman ko na ang husband ko po ay nagbigay ng malaking pera sa kapatid niya, how? Kasi pina-update ko ang savings n’ya sa company nila (lending business for employee) almost a week po ito bago n’ya naibigay andami po n’ya rason. So ngayon nagka-alaman na nga. Last year niya ginawa without asking my permission or somehow informing me.
Kasama po ito sa mga savings namin for our future, meron ‘din naman po akong trabaho at malaki naman ang ini-aakyat ko na pera para kami ay makaipon. Sobrang sama po talaga ang loob ko at nagalit ako. Una, binastos niya ako at gumawa siya ng desisyon ng ganun-ganun lang. Para akong walang kwenta at parang wala siyang asawa. Pangalawa, tinatago niya sa’kin ang mga ganon na bagay samantala pag lumalapit ang mga kapatid o kamag-anakan nila sa’min ay hindi naman sila napapahiya. Pangatlo, sa punto pa po ng katwiran niya ay parang madamot pa ako, hindi po kami mayaman, tama lang ang kini-kita para makapag-aral ang panganay ko sa private school at matugunan ng tama ang “needs” naman ng aming bunso. Bakit po ba hindi pwedeng humindi sa tuwing lalapitan siya ng mga kapatid niya? Kailangan po ba laging meron na dapat ibi-bigay?
Samantala ako bilang babae madami ‘din po akong gusto gawin pero dahil meron na mas importante ay isi-nasantabi ko nalang po muna hanggat maaari. Masama ang loob ko dahil itong mga lumalapit na ito ay magarbo ang pamumuhay nila sa probinsya kaysa samin, handaan dito, handaan doon, punta dito, punta doon. Bakit ganon mayroon sila nilalabas na pera pero kapag sa mga importanteng bagay ay wala! At sa’min lalapit, lagi ko’ng nararamdaman na ang priority niya ay tulungan at pangalawa lang ako na katuwang niya sa buhay. Masyado na po ba siyang kampante na may pera kami dahil nag-tratrabaho ‘din ako? Super kayod po ako para samin at sa mga anak namin pero siya parang wala ng ina-alala future, todo kayod po ako para mag tulungan kami sa pag-iipon, eh bakit parang kasama sila sa pinag-iipunan namin. Sobrang bait po ng mister ko, kadalasan nawawala na sa hulog at nababastos na n’ya ako.
Salamat DJ Chloe! At gusto ko talaga mailabas ang saloobin ko, sana marinig ko po ang point of view niyo dito sa bagay na ito.
Thank you and more power!
Mad Misis
Hi Ma’am!
If it’s just a matter of 3,000 or maybe 5,000 pesos, I can say na O.A ka, but since it was a big amount and you disclosed it to me kung gaano kalaki, eh talagang may karapatan ka na mag wala lalo na dahil may pera ka ‘din sa savings niyo, hindi lang siya ang nag lalagay ng pera sa savings account niyo.
Secondary na lang ang issue ng amount dito eh, and pinaka-issue mo is, him releasing the money. Without even asking you or letting you know about it, right?
That’s conjugal money and when I say that, he doesn’t have the right to decide on it alone. Ipon n’yong dalawa ‘yan para sa mga anak niyo. You have all the rights to know where it will go.
Yan ‘din naman ang hindi ko maintindihan sa ibang tao, porket alam na mahirap silang pahindian, ang kapal ng mukha mang molestiya sa iba, oo given na kamag-anak mo sila pero may pamilya yan eh, may asawa. Mag-alangan naman sana kahit konti.
You have to let your husband know how you feel and how he made you feel on what he did. My advice to you since wala sa lugar ang pagiging galante ng asawa mo, come up with your own savings account, start saving for yourself, for your kids na hindi niya alam, put more of what you earn on your own savings account. Sorry I may sound selfish pero kapag isa ka ng INA, u-unahin mong isipin palagi ang kapakanan ng mga anak mo.
Madali ang mag bigay, madali ang mag pa-utang pero napakahirap maningil!
I have friends who have been very generous with money, sa ibang kaibigan at kamaganak nila. Pero pag sila na ang mangangailangan halos walang tumulong totoo yan!
Hindi selfishness ang unahin ang sarili, okay ang tumulong, magbigay pero dapat may limit, lalo’t hindi mo naman pinupulot sa kalye ang perang ini-ipon mo at may mga anak kang pinaglalaanan.


-
COMMENTS














