CHLOE'S INBOX
I Like You But I Am Not Really Into You
July 10, 2017
-


Hi DJ Chloe!
Ako po ulit ‘to si Mark ‘yung humingi ng advice po sa inyo.
Same girl pa ‘din po ang ihi-hingi ko ng advice, ngayon naman po ay iba. Noong nalaman ko po na nag cheat siya sa akin last January nakapag-usap po kami ng maayos at muli ko po siyang tinanggap sa buhay ko sa kadahilanan na naniniwala naman po ako na kayang mag-bago ng isang tao at mahal ko po siya. Ngunit ngayon po habang tumatagal na kami, unti-unti po niyang binabalik ang mga away namin tapos minsan ipi-nagtutulakan ako palayo.
Hindi ko po alam kung minsan may topak lang siya dahil minsan okay naman kami, mamaya ay gagawa na siya ng away at ‘yung mga away namin noon ang ibi-nabalik niya sa akin. Ang daming beses na ‘din po niya akong sina-sabihan ng masasakit na salita at kapag sine-swerte eh namu-mura pa ako, hanggang sa dumating na sabi ko tama na itigil na naming, dahil palagi nalang siyang galit sa akin. Pero siya naman ‘tong biglang uma-amo at sinasabi na ayaw niya akong mawala sa buhay niya. Ako na po ata ang masisiraan ng bait, DJ. Normal po ba sa babae ‘to ganito ka moody? Moody pa po ba ang tawag ‘dun? Araw-araw galit tapos maya-maya biglang a-amo. Hindi ko po kasi maintindihan. Sana matulungan mo ako, DJ Chloe.
More power po and God bless!
Hi Mark!
Madalas ang babae kapag alam nilang sobra silang mahal, uma-abuso sila. I think common na ugali ‘di lang ng babae ‘yan pero ng tao, too confident to behave properly.
May factors ‘din affecting behavior, like the time of the month, you know? You don’t mess up with someone who bleeds for 5 to 7 days and doesn’t die! But well it’s not an excuse, although I can really tell you, when it’s that time of the month. Ako mismo nag mo-morph ako, nag mu-mutate ako, napo-possess ako ng slight hahaha!
‘Kung palaging nag si-simula siya ng away, baka little by little na siyang dumi-distansya sayo hanggang ikaw ang sumuko o umayaw na.
Ngayon ‘kung wala sa mga ‘yun ang dahilan, baka lang nag i-inarte talaga at feel na feel niya mag pa-amo sayo or amuhin ka, trip niya ba?
Try mo’ng lubayan, iiyak-iyak ‘yan.


-
COMMENTS














