CHLOE'S INBOX
I Quit Playing Games With You, My Love
July 10, 2017
-


Good morning DJ Chloe!
Itago n’yo na lang po ako sa pangalang “Jana”.
DJ Chloe, hindi ko na po alam ang gagawin ko. Eight years na po kami nagsasama ng mister ko pero simula po ng matuto siyang mag-sugal parang sunod-sunod na. Ito nga po, 2016 talagang lumala na, ‘yung tipong nakakaloka. May sasakyan po kami dati sabi niya, igra-Grab ‘daw po niya ‘yung sasakyan. Talaga naman pong nag-Grab niya pero wala naman po’ng ibini-bigay sa’kin kahit sabihin mo’ng tina-trabaho niya. Kumbaga palagi niyang kat’wiran walang pasahero kaya wala gaanong kita. So sa madaling sabi, ako po talaga ang dumi-diskarte para sa amin. Syempre tinutulungan din po kami ng mga in-laws ko. Siguro po ‘yung sasakyan namin na ‘yun three months pa lang sa’min. Then one time bigla na lang siyang hindi umuuwi hanggang sa inabot ng three days at noong may tumawag sa bahay na-hospital daw po siya at nang pinuntahan ko doon, hinanap ko ang sasakyan, wala na at na-isangla ‘daw po. Another chance, pinagbigyan ko po siya ulit, nagpahinga siya at walang trabaho. Akala ko po na magbabago pero parang mas lumala pa. ‘Pagdating ng gabi, online games naman po “DOTA” ang ginagawa niya mabuti sana kung laro lang pero hindi po, may pustahan pa talaga. DJ Chloe, hindi po nawawala ang sugal! Tapos this year nag-apply po siya at naghintay ng ilang buwan then natanggap naman na po siya, akala ko po magbabago dahil ang dami niyang pangarap. ‘Pag sweldo, ganito, ganyan, kaya parang feeling ko, wow! Talaga sigurong unti-unti ng nagbabago. Then after three days ng sweldo niya ‘tinago ko na po ‘yung ATM pero nahanap pa din niya kaya pag-uwi ko ng bahay, wala akong na-withdraw tapos hindi na po umuwi. Hanggang sa nag-alala po kami at dumating na nga po ang kinakakatakutan namin na bumalik pala siya sa dati niyang gawain, ang mag-Casino, hindi na po halos umuuwi.
Ngayon po, ano po ba ang dapat gawin ko? Hiwalayan ko na po ba o hindi?
Maraming salamat po at God bless you!
Hi Jana!
Sa lahat, ang napakahirap ang sugal, actually lahat ng bisyo naman mahirap, babae, alak, drugs, sugal. Pero ang sugal baka pati ikaw i-sangla na niyan.
May kaibigan ako, siya mismo pinagnakawan siya ng asawa niya, nagising siya wala ang asawa niya sa tabi niya, dala pati ATM nila.
Nawala ang dalawang koste nila, ginawa lahat ng kaibigan ko para matulungan siya pero one time, nakita niya sa labas ng bahay nila may mga lalaki, na parang hina-hunting ang asawa n’ya, ina-abangan. Halos mamatay daw siya sa nerbyos kaya nagdecide siyang iwanan.
Okay na ang kaibigan ko ngayon, ‘yung asawa niya dati ganoon pa din, lulong sa sugal. Lahat ng mga sinabi mo na style ng asawa mo, I believe, narinig ko din sa kwento niya. Days na hindi uuwi, ‘pag-uwi may drama pa, naholdap daw, punit-punit ang damit, iniwan siya sa damuhan kinuha ang wallet pero ang truth naubos ang pera kung ‘di sa sabungan sa Casino.
It is a sickness or condition or a disorder, I think. That needs to be treated. May rehab din para d’yan pero milyon ang gagastusin mo.
I cannot tell you na iwanan or magtiis, it is all up to what you can take and how long you intend to take shit from him.


-
COMMENTS














