A Lie Is A Lie
X

CHLOE'S INBOX

A Lie Is A Lie

July 11, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---A-LIE-IS-A-LIE

    Hi DJ Chloe,

    Good day! Gusto ko lang i-share ang kwento ko at humingi na rin ng advice sa inyo at sa inyong mga tagasubaybay. Itago niyo na lang po ako sa pangalang “Eve.” Isa po akong house wife may dalawang anak at 17 years na pong kasal.

    Sa unang anim na buwan ng aming kasal nag-umpisa na pong magloko ang aking asawa. Tiniis ko po lahat ‘yun hanggang sa may nakilala akong isang binata na ‘di naman kami nagkakalayo ng edad. Sa umpisa po naging magkaibigan kami. Siya po ang nagiging “shock absorber” ko sa mga problems ko sa partner ko pag ‘di ko na kaya at ‘di namin namamalayan na nahulog na po kami sa isa’t-isa. Masaya po ako ‘pag magkasama kami kahit sandaling oras lang hanggang sa mag-asawa na po siya. Akala ko doon na matatapos ang lahat, to make the story short, ‘til now po kami pa rin at medyo naging malala na. Dahil kung dati once a year lang kami nagkikita at kuntento na kami sa tawagan at text ngayon po halos twice or thrice a month na.

    Meron na po siyang tatlong anak ngayon pero hands-on naman po kami sa mga family naming, especially sa mga partner namin. But we know mali po talaga pero every time po na mag-aattempt kaming layuan ang isa’t-isa eh nawawala po lahat. Once na magkausap kami hindi ko na po alam kung paano ako lalayo sa kaniya at ganon ‘din siya sa akin dahil masyado na sigurong malalim ang samahan namin for 16 years. Alam naman po namin na ‘di pwede na pangmatagalan ang lahat. Sana po matulungan niyo ako kung paano at ano ang pwede kong gawin para layuan siya. Ang hirap-hirap po kasing gawin. My life is not complete without him, even him ‘yun din po sinasabi niya ‘yung mag ka-chat lang kami masaya na po kami.

    DJ Chloe, nakokonsensya na ako kasi okay naman na po kami ni Hubby. Actually, I’m a spoiled wife nga and nagbago na din po si hubbs at dalaga’t binata na mga kiddos ko pero ewan ko po kasi spoiled din ako sa kaniya kaya gulong-gulo na po ako. Kaya naisipan ko ng mag message, alam ko magagalit si Mr. X ko pagnalaman niya ito. Kasi po pareho kami naka-tune in sa’yo lalo na po pag magkasama kaming dalawa kaya ‘pag narinig niya na i-ere mo baka magka-idea siya na kami ‘yun baka maging way na rin na makapag-isip siya.

    Minsan nga po gusto ko ng kausapin ang wife niya gusto kong sabihin sa kaniya, kung ano ang pagkukulang niya based sa sinasabi ni Mr. X. Kaso napipigilan po ako kasi baka po i-post niya sa Facebook malalaman pa ng buong mundo especially ng mga common friends namin. Nasa isang magandang community po kasi kami ni Mr. X mababa po ang tingin sa amin ng buong commumity namin pag-nalaman nila kaya po sobrang ingat namin.

    Actually po, this coming August magkikita kami ni Mr. X sa Singapore may usapan na po kami. Nagdadalawang isip po ako kung susunod ba ako sa kaniya o hindi kasi po, gusto na ayaw ko. Ang hirap-hirap po sobrang na-fall na ako sa kaniya ganon din siya sa akin pero kahit kailan ‘di po namin napag-usapan na hiwalayan namin ang aming mga asawa. ‘Yun lang po ang ma-ipagmamalaki kahit mali ang gawain naming dalawa.

    Thanks a lot,

    Eve

    Eve,

    ‘Wag ka na lang kayang sumunod sa Singapore ng matapos na?

    Haaaaay! Sa totoo lang ‘di ko alam ano sasabihin ko at ipapayo sayo kasi mukhang sobra kang nag-eenjoy ka sa ginagawa n’yo to the point na naitago niyo ng 16 long years.

    Ano ba dapat ko’ng sabihin sa’yo maliban sa, ang mali ay mali?

    Ito lang masasabi ko sa’yo, it’s your life and it’s your SOUL .

    I hope you got my point.

    P.S

    ‘Wag kang feeling na akala mo pwede mo’ng sermonan or pangaralan ang asawa niya, especially because you are probably one of the major cause of conflict nilang dalawa. Kahit pa hindi alam ni misis, ikaw ba naman, paano mong papakainin ang taong busog na busog na? Go figure!

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.