CHLOE'S INBOX
I Wish I’ve Never Met You
July 12, 2017
-


Hi, DJ Chloe!
Actually, noon ko pa gusto magmessage dito pero may halong hiya ba? Kasi I’ve been cheated. Itago niyo na lang po ang name ko as Robin. Well ganito ‘yun, I have a live in partner for 12 years then nag Dubai siya try lang daw, nakiusap sa akin requested by her aunt. I agreed, sa dahilan para sa mga anak namin. We have 3 kids, all boys. To make the story short nakipag relasyon siya doon within 2 months pa lang siya doon. Ang galing niya ‘no? Faithful hahaha. Napaamin ko siya na tama ang hinala ko nag-pretend ako na okay lang sa akin para mapaamin ko siya pero deep inside nanginginig ang laman ko sa galit. So after that na trace ko ‘yung guy at kahit nandoon sila natakot ‘yung guy sa akin may inamin na naman na hindi na sila, may bago na naman daw. Sobrang sakit ,DJ Chloe, parang inapakan ako sa una, sa pangalawa parang dinurog ako. Napaamin ko pa ang gaga na may nangyari sa dalawang guy super saya diba? Ngayon, after 1 year, umuwi siya sa’kin, noong una tinanggap ko pa rin siya dahil naawa ako sa mga anak namin. Pero heto, DJ Chloe, kasama ko siya araw gabi, 1 year na kami mula nang bumalik siya ayaw mabura sa isip ko lahat ng ginawa niya. ‘Pag minsan sumpungin ako at sumbatan siya, siya pa ang matapang, paulit-ulit lang daw ako. Sa totoo nahihirapan ako, ayaw ko na makisama naawa lang ako sa mga anak ko. At alam kasi niya weakness ko ang mga bata. Gusto ko na siyang iwan dahil hanggang ngayon, DJ Chloe, di ko talaga matanggap ‘yung ginawa niya sa akin. Sana makapag advice kayo kahit papano para maibsan ang sakit at hirap na nararamdaman ko. Thank you po sa lahat and hopefully sana may good advice.
More power!
Robin
Hi! Para sa mga bata? Hiningi ba ‘yan sayo ng mga anak mo?
Tingin mo ba hindi nila alam o nakikita o nararamdaman na malaki ang problema niyo?
Kids are the most convenient excuse, pero alam mo, I don’t think it is because of the kids, it is because you don’t want anyone or the world to know that you have something on top of your head, sorry ha. Ayaw mo malaman ng lahat na may dumi ka sa ulo, kaya tinitiis mo.
‘Di mo naman kaylangan ipaalam eh at pwede kayong maghiwalay ng hindi kayo naghihiwalay ng mag kaaway.
She cheated on you twice, she is most likely to do it again. May vacuum siya sa sarili niya sa buhay niya and you have to let her go and find what makes her happy. She is not happy with you, hindi porket pinatawad mo at tinaggap mo maayos na kayo ulit. Actually, mas masisiraan ka ng ulo kasi lagi mong nakikita, lagi mong maalala at maiisip kung ano ang ginawa niya sa’yo.
I presume hindi pa totoong nagbabago ang asawa mo, kaya hirap kang magpatawad at makalimot.
I cannot fix your marriage, my advice won’t be even enough, you both need our God to restore your marriage. Kung gusto niyong maayos ang buhay at relasyon niyo, Diyos lang ang makakagawa nito para sa inyo.
She has to repent and to repent is to not do it again and change, you have to forgive and give her a chance and ask God to give you the strength to forgive.
You need God’s grace Robin, napakahirap ng sitwasyon mo, but nothing is beyond repair with Him. If that is really what you want.


-
COMMENTS














