CHLOE'S INBOX
The Truth Is I Miss You
July 12, 2017
-


Hi, DJ Chloe!
Good morning! Please hide my identity. I need some advice, please help me. I’m engaged with my 1 year and 2 months boyfriend. Yes, he proposed to me on our first anniversary. I just have a little problem, I think. Pero naipon na kasi kaya medyo pumutok na din ako hehe. To make it short 3x niya na nakalimutan ang monthsary namin (so high school, pero aminin natin girls, big deal sa atin to).
1. Sabi niya, “sinadya ko ‘yun gusto ko, ako lang ang babati sayo ha?” Bakit my iba pa bang special na tao na babati pa? ‘Di ba ikaw lang naman?
2. Nagkamali lang siya nang tanong sabi niya, “ano tayo ngayon?” Eh ‘di sinabi ko ‘yung date nagulat siya, nakalimutan na naman.
3. Ito po last, sinabihan ko na siya ano na naman ang “excuse mo?” nag-post ako from my other account. Alam ko dun niya nakita na sabi ko happy monthsary to me. Pumunta agad siya sa bahay then nagbigay ng flowers.
DJ, inaway ko talaga siya kasi punong puno na ‘ko. ‘Di ko na sasabihin pa ibang issue namin dito pero ayon lang talaga. Sobrang busy ako the whole day para sa anniversary naman ng friend ko, ako naghahanda. Sa akin lang naman batiin nya ko, knowing na nagpakita pa siya sa office kanina kasama ang friends niya. Nang inaway ko na siya, tsaka niya sinabi “nakalimutan ko, dapat ba obligasyon ko ba na maalala yan?” Oo bumawi ka agad ng flowers, pero kasi DJ ngabigay lang siya dahil galit na ‘ko sa chat and text. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya? Knowing na more than 5 years naman sila ng ex niya. Parang napaglumaan na ba ako or what? Galit talaga ako ngayon, DJ Chloe, kung nasaktan ko man siya dahil hinampas ko lang sa sahig ‘yung bulaklak na binigay niya. Well, I think pantay lang kami. At kaya siya nag-effort ng ganun dahil galit na ako. Okay lang sa’kin kahit walang material, ilang buwan na kaming walang ganon, kahit bulaklak wala, batiin lang ako, okay na. Ngayon ‘di kami naguusap, okay lang din sa’kin kasi galit talaga ako. Ano po ba advice niyo, DJ? Salamat po!
Flowers4ever
Hi!
Maliban sa nakakalimutan niya ang anniversary niyo ano pang ibang ugali nya ang masama? Babaero ba? Tamad? Walang trabaho? Walang kusa? Bastos ba sayo?
Kasi kung yan lang naman, nakakalimutan ang anniversary ang kasalanan niya sayo, baka naman pwedeng ikaw na lang mag remind palagi at tanggapin mong ganyan na siya talaga. Ikaw na lang mag remind ikaw mag greet hanggang masanay siya at ‘di niya makalimutan.
Well sabi mo nga may iba kayong issue, kung ano man yun, mas mabigat ang nakalimutan ang anniversary para sayo.
Tell you what, hindi ako mahilig sa mga monthsary monthsary.
I don’t really care kung ‘di ako batiin, ang importante sa akin, maayos ‘yung taong kasama ko. Pero ako ‘to eh at iba ka naman, so if you can’t let this pass, talk to him. If he doesn’t change according sa gusto mo (which is ‘di naman dapat ganun) let him go, because he forgets monthsaries and important dates.


-
COMMENTS














