CHLOE'S INBOX
He’s Using You And You’re Happy With It
July 17, 2017
-


Hi, DJ Chloe, please call me Fame, 38 y/o, single. Isa akong employee sa isang company, may relasyon po kami ng boss ko na may dalawang pamilya. Sa first family meron po siyang five kids and sa second family meron po siyang three kids. ‘Di po sila kasal sa alin man sa family na ‘to at for this long years nagawa niyang pagsabayin family niya. Meron p nga din siyang steady girlfriend na nagta-trabaho sa bar. Alam ko po ang storya ng buhay niya. Ang mga nanay ng anak niya ay galing pareho sa bar at walang alam s trabahong office. Ako ang kanyang naging katulong sa pagpapatakbo ng negosyo nyia. At later on nadevelop kami sa isa’t-isa. Binitiwan niya ng steady girlfriend niya na nagw-work sa bar at ng malaman ng second family niya na meron kaming relasyon kahit ‘di pa niya inaamin, umuwi sa province ang babae, dala ang tatlong anak nila. Sa ngayon nasa province ang second family at tuloy ang suporta niya sa kanila. Nang malaman ni first family na may relasyon kami, sinugod niya ako sa office, nagkaroon ng gulo, at npahiya ako ng sobra. Para maiwasan ang gulo ‘di na ako pinapasok ng boss ko. Hinanap niya ako ng bahay malapit sa office namin at pero tuloy pa din ang work ko to coordinate with clients. ‘Di niya magawang iwan ang first family niya kasi naaawa siya sa mga bata. Ayaw niyang masira pag-aaral ng mga anak niya. In fairness to him isa siyang mabuting ama at ‘di niya pinapabayaan mga anak niya. December 2016 ng naging kami ng boss ko. Pero mula ng February 2017 ‘di na ako nakakatanggap ng salary ko. Iniintindi ko kasi medyo rocky ang lagay ng negosyo at may mga anak siya na mas nangangailngan ng suport niya, panggatas, at sa pag-aaral. Pinagbintangan pa nga ako ng babae niya sa first family na pineperahan ko lang boss ko. ‘Di niya alam na hindi ako nakakatangap ng sweldo. Pero ‘di naman niya ako pinababayaan para sa pagkain ko. Minimal nga lang. 100 per day kung susumahin. June 2017 nang sinugod ako sa office ng first family, mula noon ‘di na ako pumasok directly sa office. Pero nasa bahay lang ako na inuupahan ng boss ko para sa’kin at tuloy pa din ang trabaho ko. DJ Chloe, nahihirapan po ako. Kasi sabi niya sa’kin magtatayo kami ng kompanya sa province at ako ang magma-manage dun. Pero nauna siya pumunta dun dahil may cliente na need kausapin. Ang province na ‘yun six hours lang byahe by bus ang layo sa titirahan ng second family niya. Sabi niya wala na sila ng second family, pero malakas ang kutob ko na nagkita sila dun. Gusto ko siya intindihin kasi may mga anak siya dun at need niya makita. Pero ayaw niya umamin. Anu po pwede kong gawin? Maniniwala pa ba ako sa kanya? May karapatan po ba ako kunin ang sweldo ko mula February hanggang July? Sana matulungan niyo po ako. Wala po talaga ako ibang source of income para lumayo sa kanya. Kasi ‘di niya ako pinayagan na magwork sa iba. Sinasabi niya na baka daw kalabanin ko siya sa negosyo niya kapag lumipat ako as ibang kompnya kasi alam ko pasikot-sikot sa industriya niya. Mahal na mhal ko po siya at sabi niya, mahal din niya ako. Help me, please.
Hi Fame,
Wala na. Talong-talo ka na. Your last statement is your downfall!
Mahal na mahal mo siya, ‘di ba?
This man is a CON!!!! Pinagtatratrabaho ka na niya ng walang sweldo but a mere food allowance of 100 pesos a day! Libre lang ng tirahan para meron siyang masasabing “love nest” niyo kesa nga naman gumastos siya palagi kung imo-motel ka niya.
Isa kang malaking BULAG! This guy is using you! Your brain, for his business, whatever it is. Your loyalty, so you work your ass off for him even if you don’t get paid by making you believe that “this” is your business, that you are partners, and you’re an important factor in his business. Your body and your youth by making you his regular fuck buddy, pretending that he loves you so you give it to him free, my gad!!
You have a brain! Use it!
Dalawa ang pamilya, ang daming anak, ni isa sa dalawa wala man lang pinakasalan. What makes you exceptional para seryosohin ka nyan? Napakababa ng tingin ng taong ito sa mga babae, walang respeto. Feeling macho, feeling gwapo! ROCKY ang negosyo niya? Hindi siya suswertihin kasi isang malaking kamalasan ang buong buhay niya dahil isa siyang malaking manloloko.
100 a day? At ikaw naman masaya na dun kasi iniintindi mo siya? Kasi mahal mo siya? MAGISING KA NA, FAME! NILOLOKO KA, GINAGAMIT KA, TUWANG-TUWA KA PA!
Demand for your salary, get even at least half of it, and LEAVE!
But I doubt it. BULAG NA BULAG KA. Tingin mo sa kanya isang henyo pagdating sa negosyo.
You know what, if you feel you are being USED AND ABUSED, YOU REALLY ARE.


-
COMMENTS














