Save Your Daughter From That Monster
X

CHLOE'S INBOX

Save Your Daughter From That Monster

July 18, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---SAVE-YOUR-DAUGHTER-FROM-THAT-MONSTER

    Heto po ang nais ko sanang ihingi ng advice po at muli po pakitago po na lamang po ang name ko as Irish. I’m 38 years old may unang anak sa pagkadalaga. Hiniwalayan ko po ‘yung una kasi babaero. Lahat nasa kanya na. Then nagkaroon po ako ng bagong karelasyon. Okay naman po mula sa umpisa. Nito na lang po parang medyo nagkakaproblema sa finances and other things po pero ang mas worst po ay ang meron siyang ginawa na ‘di maganda at nito lang po nakalipas na-reveal ng anak ko na panganay ang lahat. DJ Chloe, ‘di ko po mapaniwalaan kasi super laki po ng tiwala ko sa kanya na akala ko po ‘di ‘yun mgaganap sa’kin o sa anak ko na madalas napapanood lang namin sa TV. Year 2016 mayroon na pala nangyayari na ‘di ko alam pero napuna ko na po anak ko na may something sa kanya at nasundan pa po ‘yun this year 2017. At worst na po nareveal ng anak ko na nangyari po ulit. Namolestya siya ng step father niya. ‘Di man po niya nagalaw ang anak ko pero parang wala pong pinagkaiba iyon. By now po ‘di ko alam paano ko kokomprontahin ang partner ko at the same time may anak din po ako lalaki sa kanya. Paano po dapat kong gawin? Nais ko po sana marinig on-air now, DJ Chloe ‘yung advice niyo po. Please po pakitago po ang lahat pong ito maging ang account po na gamit ko. Paano ko po sisimulan sabihin at dapat po ba malaman ito ng side ng lalaki na partner ko po now? Thank you, DJ Chloe.

    Irish,

    Wala ng isip isip. Impake ng gamit mo at lumayas bitbit ang mga anak mo. Kung siya ang nasa pamamahay mo, ikahon mo ang mga gamit at ilabas mo ng bahay. Humingi ka ng assistance sa mga partidaryo mo para mapaalis siya sa balwarte mo.

    Sa murang edad ng anak mo, hindi siya pwedeng gumawa ng kwento.

    Nagkamali ka na ng desisyon ng pinatulan mo ‘yan, this is now the right time and best time for you to make the right decision. And your decision will make or break all of your lives. Ikaw at ang mga anak mo lalo ang anak mong babae.

    Yes, hindi siya na-rape pero ang molestyahin siya is almost the same! This thing that happened to her will cost her a lifetime to just forget a single moment that happened in her life!   Naiinitindihan mo ‘ko? Buong buhay ng anak mo ang gugugulin niya para lang makalimutan ang mga panahon at sandali na ginawan siya ng masama. So please I am begging you. ‘Wag kang hihinahina dahil naging mahina ka na. Maawa ka sa anak mo. Leave and protect her and regain back your life. Or stay with this monster and allow him, with your consent dahil alam mo na ano ang totoo, to keep raping your daughter again and again! The choice is in your hands dahil ang anak mo ay menor at ‘di niya kakayaning makapagdesisyon on her own!

    Mabigat ‘to sa dibdib, sobra. If you need to contact the police, women’s desk to get help, go ahead and get help!

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.