When Karma Hits You It Will Kill You
X

CHLOE'S INBOX

When Karma Hits You It Will Kill You

July 20, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-KARMA-HITS-YOU-IT-WILL-KILL-YOU

    Hi DJ Chloe,

    When karma hits you it will kill you.

    DJ Chloe, I’m a married mistress. Kasal ako pero may iba akong lalake sa buhay at kasal din siya. Tatlong taon na kami maghihiwalay, magbabati. Pero, DJ, iba ‘tong ngayon. Alam ko talagang iniwan niya na ‘ko at mas pinili niya na talaga ang asawa niya. Wala na ‘yung love na dati niyang binibgay sa akin. ‘Yung nagmamakaawa siya na ‘wag ko siyang iwan. Nagmamakaawa siya na kausapin ko siya sa tuwing may pinag-aawayan kami. Iniwan niya asawa niya for me. At dahil hindi niya na rin makayanan away nila. Pero nalaman ko na lang na umuuwi na naman siya ulit dun. At sa tuluyan niyang pagbalik sa totoong nagmamay-ari sa kanya naiwan niya na ‘ko. Tuluyan niya na ‘kong binitawan. Ang sakit, DJ. Mahal n mahal ko siya. Pero para lang akong tinapon. Samantalng ako ang mundo niya noon. Pinagsawaan niya lang ako. Mabait ang husband ko, DJ, wala kaming problema. Kaya tanggap kong ako ang may mali.

    Hindi ko din kaya iwan ang pamilya ko para sa kanya. Maling-mali ako sa pagpatol sa kanya. Kung dati asawa niya ang umiyak, ngayon ako naman. Kinakarma ako, DJ. Sa araw-araw para akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam paano haharap sa asawa ko na hindi niya nahahalata paghihirap ko. Hindi ako kumakain, natutulog, kakaisip bakit bigla na lang nagkaganun. Karma ko na ‘to, DJ. ‘Di ko alam paano lilipas ang isng araw na hindi ko siya maiisip. Araw-araw ba naman maya’t-maya kami magkausap. Ang hirap, DJ. Ang sakit ng karma ko. Kahit ganun masaya pa rin ako dahil sa asawa niya siya pumunta at hindi ibang babae. Pero nasasaktan ako na bigla niya akong tinapon. Anung gagawin ko, DJ, para makalimot. Kung sa araw-araw naalala ko siya sa mga bagay na binigay niya, DJ, ayoko ng masaktan, ayoko na rin manira ng pamilya. Gusto ko ng lagpasan ang kwento ng buhay ko na ‘to. Na minsan dumaan siya. Sana mabigyan niyo ako ng payo.

    Married Mistress

    Hi Ma’am,

    You said in your letter ayaw mo ng manira ng pamilya.

    So why not start from there?

    Nag-enjoy ka na rin naman ng two years, right? Of having this affair. Nag-enjoy ka na sa sobrang thrill na nagkikita kayo ng patago. To enjoy your lustful moments with him, so tama na, awat na. J

    Akala mo lang mahal na mahal mo siya pero hindi mo siya mahal na mahal. Sa totoo lang, it was all lust.

    ‘Di na kita kailangan pang kumbinsihin ng kung ano-ano pa. It’s more than enough na masabi ko sa’yong mali. At tapos na at tama na.

    Karma, maybe yes, it is karma. But what you’re going through is something you really have to go through kasi ‘yan ang epekto ng naging desisyon mo of getting involved with him. You are free to make decisions but you’re not free from the consequences of the decisions you made.

    Ask God to forgive you for what you did. Forgive yourself. Accept it, let go of it, and SIN NO MORE.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.