CHLOE'S INBOX
He Saw That Without Him, You Won’t Have Anything You Have
August 2, 2017
-


Dear DJ Chloe,
Dummy po ito pero mayron pong mga kilala ako, pleas please hide. Thank you po. Aasa po ako na maipo-post niyo po ito. Gusto ko pong malinawan ang pag-iisip ko lagi po akong nagbabasa dito, ang galing niyo pong magpayo at ‘yung mga commentator ditto.
Ako po ay isang may-bahay ng OFW. Ang asawa ko po ay isang super womanizer, sa katunayan po ‘di ko na mabilang ang mga naging babae niya. Ang problema ko po ganito, dati nu’ng maliliit pa mga anak namin lagi ko sinasabi na magtitiis ako sa lahat ng mga ginagawa niyang panloloko sa’kin dahil sa mga anak ko. Sa totoo lang po wala akong masabi sa kanya pagdating sa mga anak naming. Good provider po siya, sa katunayan po nakatapos na at may mga trabaho na ‘yung tatlong anak namin. Graduate sila sa magagandang school. Akala ko po, DJ Chloe ‘pag nakatapos na mga anak namin magbabago na siya. Pero mali ako. Nu’ng maliliit pa mga anak namin madalas umiiyak ako, ngayong nakatapos na dumoble pa. Alam mo ‘yung pakiramdam na sobra mong mahal ang asawa mo tas siya walang pakialam sa nararamdan mo. Nasa bahay lang po ako, walang work. Ito po ang madalas na lumalabas sa bibig niya kapag ‘di ko na kaya at kinakausap ko siya, “pinababayaan ko ba kayo? Kung iiwan ko kayo noon pa.” Ilang ulit o ‘di na mabilang na tanong ko sa kanya, “bakit mo ‘yan nagagawa samantalang isa lang naman puso mo.” “Nature” daw.
Simple lang akong babae. Luto, laba, palengke, linis din, nasa loob lang ako ng bahay. Sa totoo lang po sobra ko po siyang mahal DJ. Inaamin ko ‘yun. Sa totoo lang po lahat po ng pambababae ng asawa ko alam ng mga anak ko. Madalas sila ang labasan ko ng sama ng loob sa tatay nila, ang sasabihin lang nila “’di ka pa nasanay ‘nay.” Buwan ng Mayo kinausap ko silang tatlo about sa tatay nila gusto ko na lang sana na kausapin namin tatay nila na iwanan na lang kami. Ang sabi nila sa’kin, “kaya mo ba ‘nay?” Naiyak ako, DJ Chloe. Sabi ng panganay ko, “kung kailan may mga trabaho na kami tsaka ka susuko ‘nay.” Mahal ko ang pamilya ko, DJ Chloe. Ayaw kong masira ito pero sobrang naaawa na ‘ko sa sarili ko, feeling ko namamalimos ako ng pagmamahal sa asawa ko. Ano gagawin ko, DJ. Please po need ko po advice niyo at mga commentator niyo po salamat po in advance. Pasensiya na po sa sulat ko medyo magulo po salamat po ulit. God bless po.
Hi.
‘Yan ang rason palagi ng mga lalaking mahilig mambabae, “’di naman kayo pinapabayaan. Maayos naman kayo ng mga bata.” Na para bang utang na loob mo pa sa kanya na pinapakain ka. Kaya ‘wag ka ng magreklamo kahit anong gawin niya kasi okay naman kayo. ‘Di kayo nagugutom, may bahay, may sasakyan, tapos ang mga bata, ‘yun nga lang wasak na wasak ka. Kasi all your married life this man of yours, made you feel so UNLOVED.
Ewan ko po ba. Ako po kasi sa lahat ng usapan, ang ayoko sa lahat ay ang magtiis. ‘Yung pagtiisan mo na lang at least binubuhay naman kayo.
Magtitiis siguro ako kung mangilan-ngilan ang sasakyan kong modelo, marami akong alahas sa vault sa bangko, mangilan-ngilan ang insurance policy ko, I have a fat bank account. In short, may kakaibang high akong nakukuha kahit pa ganyan siya.
Pero wala ako, ako pa laba, linis, palengke? My gad, inasawa ka para maging katulong? Kung ako anak mo, sasabihin ko sa’yo, “Inay, bahala ka po. Up to you po. Kasi nakita ko pano ka nagsakripisyo and its high time you also become happy.”
Pero iba naman ang mga anak mo eh. Iba naman ako syempre.
Anyways, sabi nga nila nakapagtiis ka na eh, what’s another 20 years? J
Kaya lang naman naging ganyan ‘yang asawa mo po, kasi hinayaan mo, nakita niya kasi wala kang kayang gawin. Nakita niya na WITHOUT HIM, YOU WON’T HAVE ANYTHING YOU HAVE.
Sabi mo, iwanan ka na lang sana ng asawa mo? Iwanan kayo? Bakit hindi ikaw or kayo ang umalis? Kasi wala kang pupuntahan? May savings ka ba? Do you have something you can start with?
See that’s the thing. You loved him too much, you depended on him all your life that you made nothing out of yourself.
I don’t know po what I can say to really help you. At the end of the day, it is your choice. But as for me, I’d rather struggle all my life than to ever give a man the power to say “you wouldn’t have that if it wasn’t for me.”
Ma’am, if you don’t have the courage to leave a loveless marriage then just focus on the people that matters in your life for you to survive… and that’s your children.


-
COMMENTS














