What Love Brings
X

CHLOE'S INBOX

What Love Brings

August 7, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHAT-LOVE-BRINGS

    Hi Chloe,

    I’m Anne, 27 years old. Ako ‘yung tipo ng babae na ayaw makipagrelasyon sa mas bata sa’kin. Nakilala ko ‘yung ex ko seven months ago. Tumagal lang ng ilang months ang relationship namin, mas matanda kasi ako sa kanya. Nu’ng una, okay naman kami at nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. May away pero naaayos naman. Nu’ng time na ‘yun, bigla ko na lang naisip na makipagbreak na lang sa kanya kasi nga matanda ako sa kanya. All I want is a serious relationship pero ang easy-go-lucky niya. I told him mag-enjoy muna siya sa life niya. Mahal na mahal namin ang isa’t-isa, DJ Chloe. May mga times na umiiyak siya at nagmamakaawang magkaayos kami pero nagmatigas ako. Pinakawalan niya nga ako and this month lang, nalaman ko na lang na may dine-date na siyang iba. Ang sakit, sobrang sakit. ‘Di ko na alam ang gagawin ko. May mga times na pumapasok sa isip kong kausapin siya at makipagbalikan sa kanya. Naguguluhan na ako, DJ Chloe, ano po bang gagawin ko? Sana mabigyan niyo po ako ng advice. Thank you so much in advance po.

    Hi Anne,

    Nasasaktan ka lang kasi hinidi mo siguro na-anticipate or naisip na ‘yung tinapon mo eh may ibang pupulot.  Ganun talaga. Lahat naman ng bagay may pakinabang pa, kahit nga pinaglumaan na natin, ‘di ba? ‘Yun yon.

    Just go back to the reason why you decided to leave him. Tingnan mo, instead na patunayan niya sa’yo by way of making something out of himself, imbes na patunayan niya na karapt-dapat siya sa’yo sa pamamagitan ng pagsusumikap, ang ginawa kumuha agad ng kapalit. ‘Yan ba ang minahal ka? Napakadali kang pinalitan?

    Isip, girl…

    Namimiss mo lang ang good times malamang. But if he is a happy-go-lucky person at ‘di man lang siya nainspire maging better for you, for your relationship that means he is really not worth it, mapapagaod ka lang dyan mag-antay kelan ‘yan magiging responsible, kelan ‘yan magmamature. Lalaki ang dapat na padre de pamilya, hindi babae.

    Kahit ikaw na yata ang pinakamagaling na babae sa buong mundo, ‘pagnatapat ka sa walang ambisyon sa buhay, sa kampante kung ano lang meron at ano lang kayo ngayon, wala kang mae-expect na “change”.

    Okay, sabihin na natin na nagkamali ka sa desisyon mo na iwanan siya but you have decided already.  So face the consequences of your decisions. Ngayon lang ‘yan masakit.  In time, you’ll heal. And you’ll find the way to the right person who truly deserves the best of you.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.